Mga negosyo at employer
Hotline para sa COVID-19 Enero 5, 2021 sa 11:24 AM
Ang California at ang pederal na pamahalaan ay nagbibigay ng malawak na tulong sa mga maliliit na mga negosyo at mga employer na naapektuhan ng COVID-19.
Sa page na ito:
- Available na tulong
- Mga grant ng tulong sa maliliit na negosyo
- Mga patakaran at resource ng employer
- Tulong pinansyal mula sa pederal na pamahalaan
- Mga tanong at sagot
Available na tulong
- Tulong sa buwis, kasama ang mga deferral at credit
- Pagbibigay ng puhunan sa Pondo ng California para sa Muling Pagbangon para masuportahan ang mga loan ng maliliit na negosyo
- $50 milyong pondo ng estado para sa Small Business Disaster Relief Loan Guarantee Program at $50 milyon para sa Small Business Loan Guarantee Program sa pamamagitan ng IBank para makapagbigay ng mga loan sa maliliit na negosyong hindi sapat na napaglilingkuran
- Tulong sa Utang sa Maliit na Negosyo para sa mga kasalukuyang humihiram sa SBA
- Mga pederal na programa sa stimulus ng maliit na programa tulad ng Paycheck Protection Program at Economic Injury Disaster Loans
- Mga center para sa maliit na negosyo na sinusuportahan ng estado na nagbibigay ng direktang tulong mula sa isang lokal na tagapayo
- Awtorisasyon para sa mga lokal na pamahalaan para itigil ang mga pagpapaalis para sa mga komersyal na nangungupahan
Mga grant ng tulong sa maliliit na negosyo
Tatanggap na ang Tanggapan ng Tagapagsulong ng Maliliit na Negosyo ng California ng mga aplikasyon para sa Grant ng Tulong sa Maliliit na Negosyo para sa COVID-19 mula sa maliliit na negosyong naapektuhan ng COVID-19 sa pagitan ng Disyembre 30, 2020, at Enero 13, 2021. $500 milyong grant ang available. Puwede mo nang simulang ihanda ang iyong mga dokumento sa CAReliefGrant.com.
Iba pang tulong para sa maliliit na negosyo
May mga karagdagang resource ang California para sa maliliit na negosyong naapektuhan ng COVID-19:
- Mga resource at serbisyo para sa maliliit na negosyo na kinokolekta ng Tanggapan para sa Pagpapalago ng Negosyo at Pagpapaunlad ng Ekonomiya ng Gobernador
- Tulong sa buwis at mga pagpapalawig mula sa Departamento ng Pangangasiwa ng Buwis at Bayarin
Suporta sa paggawa at mga manggagawa para sa mga negosyo
- Tingnan ang mga mapagkukunan ng EDD para sa mga employer para sa impormasyon tungkol sa mga alituntunin sa kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho, nabawasang oras ng trabaho, potensyal na pagsasara at pagtatanggal ng empleyado, mga kinakailangan sa WARN Act ng California, at tulong sa buwis.
- Bisitahin ang mga mapagkukunan at tulong para sa employer ng California Labor and Workforce Development Agency.
- Tingnan ang impormasyon tungkol sa impeksyong dulot ng COVID-19 sa lugar ng trabaho ng California Department of Fair Employment and Housing.
- Para sa impormasyon tungkol sa mga kinakailangan sa pagtatala at pag-uulat para sa impeksyong dulot ng COVID-19, tingnan ang mga madalas itanong mula sa Departamento ng Mga Ugnayan sa Industriya ng CA.
Mga patakaran at resource ng employer
Kabasay ng muling pagbubukas ng California, kakailanganin ng bawat negosyo na gumawa ng mas ligtas na lugar kung saan maliit lang ang panganib. Kung may pag-aari o pinapamahalaan kang negosyo, sundin ang playbook ng employer para mapagplanuhan at mapaghandaan ang muling pagbubukas ng iyong negosyo. At sundin ang gabay na partikular sa industriya na naaangkop sa iyong negosyo para maprotektahan ang mga manggagawa at customer mo.
Kasabay ng pagbubukas ng mga lugar ng trabaho, kakailanganin ng mga empleyado ng mga suporta sa pangangalaga ng bata at flexibility sa lugar ng trabaho. Mahalagang malaman ng mga empleyadong may COVID-19 na dapat silang manatili sa bahay. Kakailanganin ng iyong mga patakaran sa sick leave na suportahan iyon. Makakita ng higit pang impormasyon sa:
- Mga programa ng pamahalaan na sumusuporta ng sick leave para sa COVID-19 at bayad-pinsala sa mga manggagawa
- Mga pampamilyang kasanayan para sa mga employer (PDF)
- Suporta para sa mga nagtatrabahong pamilya(PDF)
- Maghanap ng pangangalaga ng bata
Tulong pinansyal mula sa pederal na pamahalaan
Programang Proteksyon sa Paycheck
Ang Programang Proteksyon sa Paycheck (Paycheck Protection Program, PPP) ay isang pederal na programa na nagbibigay ng mga forgivable loan para sa maliliit na negosyo at mga nonprofit na unang beses at pangalawang beses na manghihiram. Ang mga pangalawang beses na loan ay limitado sa mga negosyong wala pang 300 ang empleyado at may hindi bababa sa 25% pagbaba sa mga gross receipt sa isang quarter ng 2020 kumpara sa parehong quarter noong 2019. Ang pinakamalaking halaga ng loan para sa mga pangalawang beses na manghihiram ay $2 milyon. Ang mga negosyong kukuha ng loan ng PPP ay maaaring kunin ang Kredito sa Buwis sa Retensyon ng Empleyado (Employee Retention Tax Credit, ERTC).
Ang mga loan ng PPP ay magagamit sa pagbabayad para sa mga kwalipikadong gastusin, gaya ng mga pasahod sa empleyado, saklaw na pinsala sa ari-arian, gastusin sa supplier, gastusin sa pagprotekta sa manggagawa, at gastusin sa operasyon (gaya ng renta at mga utility). Kapag ginamit para sa mga kwalipikadong gastusin, maaaring hindi na bayaran ang mga loan ng PPP na hanggang $150,000.
Maaaring ibawas ng mga negosyo ang mga gastusing babayaran gamit ang mga forgivable loan ng PPP. Nalalapat ito sa mga dating loan at sa mga bagong loan at hindi kasama rito ang mga guardrail o limitasyon. Ang mga forgiven loan ng PPP at mga gastusing babayaran gamit ang mga loan ng PPP ay hindi ituturing na mabubuwisang kita.
Matuto pa tungkol sa PPP sa website ng SBA.
Iba pang pederal na programa
Ang Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo ng Estados Unidos (U.S. Small Business Administration) ay tumatanggap na ng mga bagong aplikasyon sa Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya (Economic Injury Disaster Loan, EIDL) mula sa lahat ng kwalipikadong negosyo. Pumunta sa website ng Mga Aplikasyon para sa Loan sa Panahon ng Sakuna ng U.S. SBA para sa higit pang impormasyon. Patuloy na ipoproseso ng U.S. SBA ang mga aplikasyon sa EIDL Loan at naisumite na ayon sa kung sino ang nauna.
Puwedeng ma-reimburse ang maliliit na negosyo para sa mga gastusin sa bayad na leave na nauugnay sa COVID-19. Available ang pondong ito sa mga negosyong wala pang 500 empleyado. Puwedeng makatanggap ang mga employer ng credit para sa mga sahod na ibabayad para sa nasabing leave mula Abril 1 hanggang Disyembre 31, 2020. Bisitahin ang Bayad na Leave sa ilalim ng Families First Coronavirus Response Act (FFCRA) para sa higit pang impormasyon. Tingnan din ang mga madalas itanong tungkol sa pag-reimburse ng credit sa buwis para sa bayad na leave.
Mga tanong at sagot
Programang Small Business Disaster Relief Loan Guarantee
Pagkontrol ng COVID-19 sa lugar ng trabaho
Mga programa ng stimulus para sa Pangangasiwa ng Maliliit na Negosyo (Small Business Administration, SBA)
Manatiling updated
- CA Labor and Workforce Development Agency: Mga Madudulugan para sa Coronavirus 2019 (COVID-19) para sa Mga Employer at Manggagawa
- CA Employment Development Department: Coronavirus 2019 (COVID-19)
- Governor’s Office of Business and Economic Development: Coronavirus 2019
- California Department of Tax and Fee Administration: COVID-19 State of Emergency
- Gabay ng Cal/OSHA sa Mga Kinakailangan upang Maprotektahan ang Mga Manggagawa mula sa Coronavirus
- Sakit na Coronavirus (COVID-19) – Mga FAQ tungkol sa mga batas na ipinatupad ng Labor Commissioner’s Office ng California
- Departamento sa Patas na Trabaho at Pabahay ng CA: Mga Mapagkukunan at Gabay para sa COVID-19
- Departamento sa Mga Ugnayan sa Industriya ng CA: Mga Mapagkukunan para sa COVID-19 at Bayad-pinsala sa Mga Manggagawa
- U.S. Internal Revenue Service: Tax Relief sa Panahon ng Coronavirus
- U.S. Internal Revenue Service: Mga FAQ Tungkol sa Mga Credit sa Buwis na Nauugnay sa COVID-19 para sa Kinakailangang Bayad na Leave na Ibinibigay ng Maliliit at Mid-size na Negosyo
- U.S. Department of Labor: Bayad na Leave sa Ilalim ng Families First Coronavirus Response Act