Tulong para sa mga indibidwal at pamilya
Huling na-update Abril 28, 2023 sa 12:26 PM
Kung pinansyal kang naapektuhan ng COVID-19, posibleng kwalipikado ka para sa:
- Bayad na sick leave
- Pangangalagang pangkalusugan at insurance sa kalusugan
- Mga benepisyo para sa mga pamilyang may mga anak
- Mga credit sa buwis
- Higit pang tulong
Bayad na sick leave at iba pang benepisyo
Bayad na sick at family leave
Posibleng kwalipikado ka para sa bayad na sick o family leave kung hindi ka makapagtrabaho dahil ikaw ay:
- May sakit o nagka-quarantine dahil sa COVID-19
- May inaalagaang kapamilya na may sakit o nagka-quarantine dahil sa COVID-19
- Nakakaranas ng mga side effect na nauugnay sa bakuna
Posibleng kwalipikado kang gumamit ng bayad na sick leave para makapunta sa iyong appointment para sa pagpapabakuna.
Karagdagang bayad na sick leave
Magbibigay ang karagdagang bayad na sick leave (supplemental paid sick leave, SPSL) ng California para sa COVID-19 ng hanggang 40 oras kung ikaw ay:
- May sakit o nagka-quarantine
- Magpapabakuna o magpapa-booster
- Nag-aalaga ng batang nag-aaral sa nakasarang paaralan o lugar ng pangangalaga
Magbibigay rin ang 2022 SPSL ng hanggang 40 pang oras kung ikaw ay:
- Magpopositibo sa COVID-19
- May inaalagaang kapamilya na magpopositibo sa COVID-19
Available ang 2022 SPSL mula Enero 1, 2022 hanggang Setyembre 30, 2022. Makakakita ng mga detalye sa Mga FAQ tungkol sa 2022 SPSL mula sa Departamento ng Mga Ugnayan sa Industriya ng California.
Higit pang impormasyon tungkol sa bayad na leave
Bisitahin ang website ng Mas Ligtas sa Trabaho ng California para:
- Makakita ng higit pang impormasyon tungkol sa mga opsyon sa bayad na sick leave
- Gamitin ang navigator para sa sick leave para makakita ng leave na naaangkop sa iyong sitwasyon
Matuto pa tungkol sa mga opsyon sa bayad na leave:
- Impormasyon tungkol sa mga opsyon sa bayad na sick leave
- Mga benepisyo para sa mga manggagawang naapektuhan ng COVID-19
- Paghambingin ang mga opsyon sa bayad na sick at family leave
- Alamin kung puwede kang maging kwalipikado para sa bayad na family leave
Insurance sa may kapansanan
Posibleng kwalipikado ka para sa insurance sa may kapansanan kung hindi ka makakapagtrabaho dahil sa, o kung nagpapagaling ka mula sa, sakit na dulot ng COVID-19.
Bayad-pinsala sa mga manggagawa
Pag-isipang maghain ng claim para sa bayad-pinsala sa mga manggagawa+ kung ikaw ay:
- Na-expose sa COVID-19 sa lugar ng trabaho at nagpositibo ka
- Hindi makapagtrabaho dahil sa mga sintomas ng COVID-19
Leave na pinoprotektahan ng trabaho at makatuwirang akomodasyon
Tingnan ang Mga FAQ ng Departamento sa Patas na Trabaho at Pabahay ng California para matuto tungkol sa:
- Hindi bayad na leave na pinoprotektahan ng trabaho (pahina 5)
- Makatuwirang akomodasyon para sa isang kapansanang resulta ng COVID-19 (pahina 5-7)
Bayad sa exclusion
Dapat kang bigyan ng employer ng bayad sa exclusion:
- Kapag hindi ka pumapasok sa lugar ng trabaho dahil sa pagkaka-expose na nangyari sa trabaho
- Para sa mga araw nagtrabaho ka sa panahon ng hindi pagpasok
- Pareho ito sa regular na rate ng iyong sweldo
- Sa iyo nang hindi lalampas sa regular na araw ng sweldo para sa panahon ng sweldo
Pangangalagang pangkalusugan at insurance sa kalusugan
Mga klinika ng kalusugan sa komunidad
Nag-aalok ang mga center at klinika ng kalusugan sa komunidad ng mga libre o murang medikal na serbisyo Maghanap ng center ng kalusugan sa iyong lugar.
Insurance sa kalusugan
Makatanggap ng libre o murang insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng Covered California.
Kung nakatanggap ka ng insurance para sa pagkawala ng trabaho, posibleng makakuha ka ng insurance sa kalusugan sa halagang nasa $1 lang bawat buwan.
Sumasaklaw ang lahat ng plano ng paggamot at mga bakuna para sa COVID-19.
Paano mag-apply
Iisang aplikasyon lang ang ginagamit ng Covered California at Medi-Cal. Puwedeng iisa lang ang aplikasyong isumite mo para malaman kung sa aling mga programa ka kwalipikado.
Mag-apply para sa Covered California. Para sa libre at kumpidensyal na tulong, tumawag sa 800-300-1506 (M-F, 8 am hanggang 6 pm).
Mga benepisyo para sa mga pamilyang may mga bata
Cash na tulong sa CalWORKs
Posibleng kwalipikado ang mga pamilyang may mga anak para sa cash na tulong sa pamamagitan ng programang CalWORKs. Makakatanggap ang mga kwalipikadong pamilya ng buwanang cash na tulong para makatulong sa pagbabayad ng pabahay, pagkain, damit, at higit pa.
Posibleng kwalipikado ang mga pamilyang may kaunting cash on hand. Nakadepende din ito sa iba pang salik gaya ng:
- Citizenship
- Edad
- Kita
- Mga Asset
Ang mga pamilyang may kaunti o walang cash ay puwedeng makatanggap kaagad ng hanggang $200 kung mayroon silang emergency sa pamilya gaya ng:
- Kawalan ng pagkain, kinakailangang damit, o matutuluyan
- Mga agarang medikal na pangangailangan
Mag-apply sa BenefitsCal o makipag-ugnayan sa ahensya ng mga serbisyong panlipunan sa iyong county.
Childcare
Alamin kung kwalipikado ka para sa tulong sa pagbabayad ng childcare. Puwede ka ring tumawag sa 1-800-KIDS-793. Bumisita sa mychildcare.ca.gov para makakita ng provider sa iyong lugar.
Mga credit sa buwis
Available ang mga credit sa buwis ng estado sa mga nagtatrabahong Californian. Kasama rito ang mga hindi nakadokumentong manggagawa. Mayroon ding mga credit sa buwis kung mayroon kang mga anak.
Credit sa Buwis ng Kita sa California (CalEITC)
Kung mababa ang sahod mo sa trabaho, posibleng kwalipikado ka sa CalEITC.
Kwalipikado kang i-claim ang CalEITC kung wala pang $30,000 ang kinita mo noong 2021, at:
- Kung ikaw ay edad 18 taon pataas, o
- Kung mayroon kang nagkakwalipikang dependent, kahit wala ka pang 18 taong gulang.
Kung kwalipikado ka, posibleng:
- Mas marami kang makuhang refund sa buwis, o
- Mas kaunti ang bayaran mong buwis.
Nakadepende ang halagang matatanggap mo sa:
- Laki ng kinita mo
- Laki ng iyong pamilya
Puwedeng makatanggap ang mga indibidwal ng hanggang $255. Kung may isa kang anak, puwede kang makakuha ng hanggang $1,698. Kwalipikado ang mas malalaking pamilya sa mas malaki pang halaga.
Sa pag-claim sa CalEITC:
- Hindi maaapektuhan ang iba pang benepisyong posibleng matanggap mo
- Hindi mahahadlangan ang pagiging kwalipikado mo para sa iba pang benepisyo
- Hindi maaapektuhan ang iyong status sa immigration
Credit sa Buwis sa Batang Anak (Young Child Tax Credit, YCTC)
Posibleng kwalipikado ka para sa Credit sa Buwis sa Batang Anak (YCTC) na hanggang $1,000 kung ikaw ay:
- Kwalipikado para sa CalEITC, at
- May anak na wala pang 6 na taong gulang noong Disyembre 31, 2021.
Kung kwalipikado ka, puwede kang makakuha ng mas malaking tax refund o mas mababang bill sa buwis.
Paano makuha ang mga credit na ito sa buwis
Dapat mong ihain ang iyong tax return sa estado para ma-claim ang parehong CalEITC at YCTC. Ihain ang iyong mga buwis online nang libre.
Kung wala kang Social Security Number, ihain ang iyong mga buwis gamit ang isang Numero ng Pagkakakilanlan ng Indibidwal na Nagbabayad ng Buwis (ITIN). Matuto pa tungkol sa mga ITIN at kung paano makakakuha nito.
Higit pang tulong
Tulong sa renta at mga utility
Makatanggap ng tulong sa pagbabayad ng iyong renta at mga bill ng utility.
Pagkain
May ilang programang nagbibigay ng libreng pagkain, pati ng pagkaing kinakailangan kaagad.
Kawalan ng Tirahan
Maghanap ng contact sa iyong lugar para sa tulong.
Tulong sa pagbabayad ng mortgage
Makatanggap ng tulong sa pagbabayad ng iyong mortgage kung hindi ka pa nakakabayad.
Mga gastusin sa pagpapalibing
Makatanggap ng tulong para sa mga gastusin sa pagpapalibing na nauugnay sa COVID-19.
Insurance para sa pagkawala ng trabaho
Alamin kung saan ka kwalipikado, at kung paano mag-apply.