May mga panuntunan ang California para mapanatiling ligtas ang mga lugar ng trabaho mula sa COVID-19.

Sa page na ito:


Mga pansamantalang pamantayan sa lugar ng trabaho para sa COVID-19

Wala nang physical distancing at limitasyon sa kapasidad para sa mga negosyo at aktibidad. Tapos na ang gabay para sa mga partikular na industriya. Pero responsable pa rin ang mga employer sa pagpapanatili ng mga ligtas na kapaligiran para sa mga empleyado at customer.

Dapat sumunod ang mga employer sa mga regulasyon sa kaligtasan at kalusugan sa lugar ng trabaho para maprotektahan ang mga manggagawa. Kasama rito ang pagprotekta ng mga manggagawa mula sa COVID-19.

Sundin ang Mga Hindi Pang-emergency na Regulasyon sa Pag-iwas sa COVID-19 ng Dibisyon ng Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho ng California (California Division of Occupational Health and Safety, Cal/OSHA) para mapanatiling ligtas ang iyong lugar ng trabaho. Tinatalakay ng mga ito:

  • Kung paano maiiwasan ang hawahan sa lugar ng trabaho
  • Ang dapat gawin kapag may mga outbreak
  • Kung paano mapapanatiling ligtas ang mga empleyado sa transportasyon at pabahay na ibinibigay ng employer

Bisitahin ang Mas Ligtas sa Trabaho para matuto pa tungkol sa kaligtasan sa lugar ng trabaho sa panahon ng COVID-19.


Pagsusuot ng mask sa trabaho

Inirerekomenda ang pagsusuot ng mask para sa lahat indoors. 

Dapat magsuot ng mask indoors ang mga manggagawa sa ilang partikular na sektor. Kasama rito ang mga lugar para sa pangangalagang pangkalusugan at pangmatagalang pangangalaga.

Dapat magsuot ang mga manggagawa ng mga mask sa panahon ng mga outbreak. Dapat ding magsuot ang mga manggagawa ng mga mask kapag bumabalik sa trabaho pagkatapos magkaroon ng COVID-19 o close contact.

Dapat bigyan ng mga employer ang mga manggagawa ng mask, kung hihilingin at nang libre sa mga manggagawa.

Maghanap ng mga detalye tungkol sa pagsusuot ng mask sa trabaho sa seksyong mga pantakip sa mukha ng mga FAQ ng Cal/OSHA.


Pagbalik sa trabaho pagkatapos ng COVID-19

Dapat tiyakin ng mga employer na nakakatugon ang mga manggagawa sa mga pamantayan sa ETS sa Pag-iwas sa COVID-19 bago sila bumalik sa trabaho at nakakasunod ang mga manggagawa sa mga inirerekomenda ng CDPH na panahon ng pag-isolate. Hanapin ang mga detalye sa seksyong pag-isolate at pag-quarantine ng mga FAQ ng Cal/OSHA. Ang mga sumusunod na alituntunin ay hindi nalalapat sa mga manggagawa sa mga ilang partikular na high-risk na setting gaya ng pangangalagang pangkalusugan.

Mga manggagawang na-expose sa isang taong may COVID-19 at may mga sintomas

Kung na-expose ka sa isang taong may COVID-19 at mayroon kang mga sintomas ng COVID-19, puwede kang bumalik sa trabaho kapag natutugunan ang lahat ng ito:

  • Nakatanggap ka ng negatibong resulta mula sa isang COVID-19 test nang hindi bababa sa 5 araw pagkatapos magsimula ng mga sintomas o unang positibong resulta ng pagsusuri.
  • Nagsuot ka ng mask na maayos ang fit kapag may kasamang ibang tao, sa loob ng 10 araw, lalo na kapag indoors.

Kung hindi naman, hindi ka makakabalik sa trabaho hangga't matugunan mo ang lahat ng sumusunod:

  • Hindi bababa sa 10 araw na ang lumipas mula nang magsimula ang iyong mga sintomas.

Nalalapat ito sa lahat, anuman ang status sa pagpapabakuna. Nalalapat din ito sa mga taong nagkaroon na ng impeksyon.

Mga manggagawang na-expose sa isang taong may COVID-19 at walang sintomas

Kung na-expose ka sa isang taong may COVID-19, pero wala kang mga sintomas, dapat kang magpasuri sa Araw 3 hanggang Araw 5.

Puwede kang patuloy na pumasok sa trabaho kung natutugunan ang lahat ng sumusunod:

  • Hindi ka pa rin nagkakaroon ng mga sintomas ng COVID-19.
  • Nagkaroon ka ng negatibong resulta mula sa COVID-19 test sa Araw 3 hanggang Araw 5 mula sa iyong huling pagkaka-expose.
  • Nagsuot ka ng mask na maayos ang fit kapag may kasamang ibang tao, sa loob ng 10 araw, lalo na kapag indoors.

Kung hindi ka makakapagpasuri sa Araw 3 hanggang Araw 5 dahil sa kawalan ng mga pagsusuri, hindi ka dapat papasukin sa loob ng 10 araw pagkatapos ng iyong huling pagkaka-expose.

Nalalapat ito sa lahat, anuman ang status sa pagpapabakuna. Ang mga taong nagkaroon ng impeksyon sa loob ng nakalipas na 90 araw ay hindi kailangang magpasuri maliban na lang kung magkakaroon sila ng mga sintomas.

Mga manggagawang magpopositibo para sa COVID-19, pero walang sintomas

Kung wala kang mga sintomas, pero nagpositibo ka para sa COVID-19, puwede kang bumalik sa trabaho kapag natutugunan na ang lahat ng sumusunod:

  • Hindi ka nagkaroon ng mga sintomas.
  • Nagkaroon ka ng negatibong resulta mula sa isang COVID-19 test sa Araw 5 o lampas pa mula sa iyong huling pagkaka-expose o petsa ng test sa pagpopositibo.
  • Nagsuot ka ng mask na maayos ang fit kapag may kasamang ibang tao, sa loob ng 10 araw, lalo na kapag indoors.

Kung hindi naman, hindi ka makakabalik sa trabaho nang hindi bababa sa 10 araw pagkalipas ng iyong unang pagpopositibo. Nalalapat ito sa lahat, anuman ang status sa pagpapabakuna. Nalalapat din ito sa mga nagkaroon na ng impeksyon.

Bayad sa exclusion

Dapat kang bigyan ng mga employer ng bayad sa hindi pagpasok:

  • Kapag hindi ka pumapasok sa lugar ng trabaho dahil sa pagkaka-expose na nangyari sa trabaho.
  • Para sa mga araw nagtrabaho ka sa panahon ng hindi pagpasok.
  • Pareho ito sa regular na rate ng iyong sweldo.
  • Sa iyo nang hindi lalampas sa regular na araw ng sweldo para sa panahon ng sweldo.

Hindi ka kwalipikado sa bayad sa hindi pagpasok kung ikaw ay:

  • Naitalagang magtrabaho mula sa bahay habang hindi pumapasok, at nagawa mo ito.
  • Nakakatanggap ka ng mga bayad dahil sa kapansanan, habang hindi pumapasok.
  • Nasasaklawan ng mga benepisyo sa kabayaran para sa manggagawa at nakatanggap ng mga bayad dahil sa pansamantalang kapansanan, habang hindi pumapasok.

Hindi ka maaatasan ng mga employer na gamitin ang iyong karaniwang naipong bayad na sick leave. Ganito rin ang sitwasyon kapag na-expose ka sa isang taong may COVID-19 sa trabaho, at dapat kang hindi papasukin ng iyong employer.

Basahin ang seksyong bayad at mga benepisyo sa hindi pagpasok ng mga FAQ ng Cal/OSHA para matuto pa.

Isasalang-alang ang paghahanin ng claim sa bayad sa mga manggagawa kung ikaw ay:

  • Na-expose sa COVID-19 sa lugar ng trabaho at nagpositibo ka
  • Hindi ka nakapagtrabaho dahil sa mga sintomas ng COVID-19

Bayad na sick leave

Alamin ang tungkol sa bayad na sick leave at iba pang opsyon.

Kung hindi sumusunod ang iyong employer sa kaligtasan sa lugar ng trabaho

Dapat hindi papasukin ng mga employer ang ilang partikular na manggagawa na na-expose sa isang taong may COVID-19 mula sa lugar ng trabaho. Kung hindi magagawa ng iyong employer na hindi papasukin ang mga na-expose na manggagawa, maghain ng reklamo sa kaligtasan ng lugar ng trabaho.  

Maghain ng claim sa sahod para sa bayad sa hindi pagpasok kung ikaw ay:

  • Hindi pinapasok sa trabaho dahil sa nauugnay sa trabahong pagkaka-expose sa COVID-19, at
  • Hindi nakatanggap ng bayad habang hindi pinapapasok.

Puwede ka ring maghain ng ulat tungkol sa isang paglabag sa batas sa paggawa kung naaapektuhan nito ang isang grupo ng mga manggagawa.

Napoprotektahan ka ng mga batas ng California na nagbabawal sa pagganti para sa paggamit ng mga karapatan. Kung gaganti ang iyong employer dahil sa iyong hiniling na bayad sa hindi pagpasok, maghain ng reklamo sa pagganti. Makipag-ugnayan sa Opisina ng Komisyoner sa Paggawa ng California (California Labor Commissioner) para sa tulong.


Puwedeng atasan ng mga employer ang mga manggagawa na magpabakuna

Puwedeng atasan ng employer ang kanyang mga empleyado na tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19, basta't hindi gagawin ng employer ang sumusunod:

  • Mandiskrimina o manligalig laban sa mga empleyado o aplikante sa trabaho sa batayan ng pinoprotektahang katangian, gaya ng kapansanan o bansang pinagmulan.
  • Magbibigay ng mga makatuwirang akomodasyon na nauugnay sa kapansanan o isinasabuhay na paniniwala o kagawian sa pananampalataya.
  • Hindi maghihiganti sa sinumang makikibahagi sa mga pinoprotektahang aktibidad, gaya ng paghiling ng makatuwirang akomodasyon

Matuto pa tungkol sa kaligtasan at mga sibil na karapatan sa lugar ng trabaho sa Mga FAQ ng Department of Fair Employment and Housing.

Makahanap ng mga detalye tungkol sa makatuwirang akomodasyon sa impormasyon ng Komisyon sa Pantay na Oportunidad sa Trabaho (Equal Employment Opportunity, EEO) ng Estado Unidos tungkol sa COVID-19 at mga batas ng EEO.

Humingi ng patunay ng pagbabakuna

Ang mga employer na nangagailangang ng patunay ng status sa pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga empleyado at customer ay dapat sumunod sa Mga Alituntunin at Pamantayan sa Pagtatala ng Pagbabakuna (Vaccine Record Guidelines and Standards) ng CDPH:

  • Kumpirmahin ang mga talaan sa pamamagitan ng isang pribado at kumpidensyal na proseso.
  • Protektahan ang mga patron mula sa diskriminasyon.
  • Huwag gumawa ng mga hadlang sa mga kinakailangang serbisyo, o paghigpitan ang access batay sa isang pinoprotektahang katangian.

Tulungan ang mga empleyado na magpabakuna

Matutulungan ng mga employer ang kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng:

  • Pag-coordinate ng mga event sa pagpapabakuna sa mga partner na provider.
  • Pag-host ng mobile o pop-up na klinika.
  • Patulong sa mga employado na mag-book ng mga appointment.
  • Pagbibigay sa mga empleyado ng edukasyonal na resource.

Matuto pa sa Employer Vaccination Toolkit.

Mga ipinag-aatas para sa mga K-12 na paaralan at opisina ng estado

Simula Setyembre 17, 2022, hindi papayagan ang mga hindi bakunadong kawani na magsagawa ng lingguhang screening na pagsusuri para sa COVID-19.

Dapat ipagpatuloy ng mga paaralan na sundin ang mga gabay ng estado at lokal na pamahalaan para tumulong na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Bisitahin ang schools.covid19.ca.gov para sa higit pang impormasyon. 

Dapat beripikahin ng mga empleyado ng estado na nagtatrabaho sa lugar na kumpleto sila sa bakuna, o dapat silang regular na magpasuri para sa COVID-19 at magsuot ng mask.

Pinag-aatas para sa mga pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan at congregate na setting

Para sa mga detalye tungkol sa mga ipinag-aatas sa pagpapabakuna sa mga partikular na setting, tingnan ang:


Manatiling updated