Mga mapagkukunan ng pagkain
Huling na-update Abril 11, 2022 sa 9:52 AM
May mga benepisyo sa pagkain at resource ng pagkain para sa mga Californian na apektado ng pandemya ng COVID-19. Available ang tulong sa pagkain sa lahat ng nangangailangan nito, nagtatrabaho ka man o hindi.
Sa page na ito:
- Agarang tulong sa pagkain
- CalFresh
- Mga babae, sanggol, at bata (women, infants, and children, WIC)
- Mga pagkain mula sa paaralan
- Pandemic EBT (P-EBT) para sa mga bata
- Mga pagkaing inihahatid sa tirahan para sa mga nakatatanda
Agarang tulong sa pagkain
Hanapin ang iyong lokal na food bank
Kung kailangan mo ng pagkain ngayon, makakahingi ka ng tulong sa iyong lokal na food bank. Maraming food bank ang makakapag-ugnay sa iyo sa mga libreng grocery o mainit na pagkain.
Makipag-ugnayan sa iyong lokal na food bank para sa listahan ng mga lugar na mapagkukunan mo ng pagkain sa iyong lugar.
Maghanap ng food bank malapit sa iyoTumawag sa 211
Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng pagkain o iba pang mahalagang serbisyo, i-dial ang 211 para makipag-usap sa isang taong makakatulong sa iyo.
Ang 211 ay isang libre at kumpidensyal na helpline na nag-uugnay sa iyo sa mga lokal na resource gaya ng:
- Abot-kayang pabahay o matutuluyan
- Cash na tulong
- Pangangalagang pangkalusugan
- Mga referral para sa childcare
Available ito sa mahigit sa 100 wika, 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
CalFresh
Kung bumaba o huminto ang iyong kita, puwede kang mag-apply para sa mga benepisyo sa pagkain ng CalFresh.
Puwede mong gamitin CalFresh para bumili ng pagkain sa mga grocery store, farmers market, at online. Puwedeng mag-apply sa CalFresh anumang oras ang mga tao at pamilyang may mababang kita.
Puwede ka ring tumawag sa 1‑877‑847‑3663 (1‑877‑847‑FOOD) para mag-apply.
Ang pagkuha ng CalFresh ay hindi nakakaapekto sa:
- Iba pang benepisyong posibleng natatanggap mo
- Iyong status sa immigration o pagiging public charge mo
Gumagana ang mga EBT card online
Ibinibigay ang iyong mga benepisyo sa CalFresh (na kung minsan ay tinatawag na SNAP o mga food stamp) sa isang EBT card bawat buwan.
Gamitin ang iyong EBT card para bumili ng mga grocery online sa:
Mamili online at magbayad sa pag-pick up gamit ang iyong EBT card sa:
Higit pang impormasyon tungkol sa mga EBT card
- Tingnan ang mga madalas itanong tungkol sa paggamit ng EBT online.
- Alamin kung aling mga store ang nag-aalok ng delivery sa bahay o pag-pick up gamit ang EBT.
- Tingnan ang lahat ng kalahok na lokasyon ng Albertsons, Vons, at Safeway.
Pansamantalang pinalawak na pagiging kwalipikado para sa mga mag-aaral sa kolehiyo
Kwalipikado ang ilang mag-aaral sa kolehiyo na makatanggap ng mga benepisyo ng CalFresh na makakatulong sa pagbili ng mga grocery. Matuto pa tungkol sa mga pansamantalang pagbabago sa pagiging kwalipikado ng mag-aaral.
Mag-apply sa CalFresh para sa mga mag-aaralMga benepisyo sa pagkain ng mga babae, sanggol, at bata (WIC)
Tumutulong ang WIC sa mga pamilyang magkaroon ng access sa masusustansyang pagkain at higit pa. Pinagseserbisyuhan ng WIC ang mga sanggol at bata na may edad na hanggang 5 taon, buntis, at bagong ina. Magagawa ng mga magulang, lolo't lola, foster na magulang, o tagapangalaga na itala ang mga batang wala pang 5 taong gulang. Puwede ring mag-apply ang mga nagtatrabahong pamilya, kasama ang mga pamilya ng militar at migrant na pamilya.
Nagbibigay ang WIC ng:
- Mga benepisyo para sa pagbili ng masusustansyang pagkain gaya ng:
- Prutas
- Gulay
- Gatas
- Itlog
- Tinapay
- Cereal
- Peanut butter
- Soy milk
- Mga ekspertong may espesyalisasyon sa nutrisyon ng mga ina at anak
- Suporta at impormasyon tungkol sa pagpapasuso ng iyong sanggol, kasama ang access sa mga eksperto sa pagpapasuso
- Tulong sa paghahanap ng pangangalagang pangkalusugan at iba pang serbisyo
Makakatanggap ang mga pamilya ng mga bagong dagdag na benepisyo sa prutas at gulay para sa WIC hanggang Setyembre 2022.
Kung nawalan ka ng trabaho kamakailan, puwede kang mag-apply para sa WIC. Puwede ka ring mag-apply kung bumaba ang kita mo o kung kung hindi ka makapagtrabaho, kahit pansamantala lang dahil sa COVID-19.
Bisitahin ang MyFamily.WIC.ca.gov, o tumawag sa 1‑888‑942‑9675 (1‑888‑WIC‑WORKS) para sa higit pang impormasyon.
Pagdeliber ng pagkain mula sa paaralan
Makipag-ugnayan sa iyong lokal na distrito ng paaralan para malaman kung paano at saan kukuha ng mga libre o pinamurang pagkain sa paaralan.
Makakatulong ang CA Meals for Kids app sa mga mag-aaral at pamilya na makahanap ng mga pagkain. Libre ang app. I-download ito sa Apple App Store, Google Play Store, at Microsoft’s App Store.
Pandemic EBT (P-EBT) para sa mga bata
Puwedeng makatanggap ang mga bata ng mga benepisyo sa Pandemic EBT (P-EBT) na makakatulong sa kanilang mga pamilya na bumili ng pagkain.
Posibleng kwalipikado ang mga bata para sa P-EBT kung sila ay:
- Kwalipikado para sa mga libre o pinamurang pagkain sa paaralan, o
- Wala pang 6 na taong gulang at nakakatanggap ng mga benepisyo sa pagkain ng CalFresh
Hindi kailangan ng mga pamilya na mag-sign up o magsumite ng aplikasyon para makatanggap ng P-EBT. Matutukoy ang pagiging kwalipikado ng iyong anak sa pamamagitan ng impormasyon mula sa iba pang programa.
Puwede kang:
- Tiyaking updated ang naka-file na papadalhang address sa paaralan ng iyong anak
- Mag-apply para sa mga libre o pinamurang pagkain sa pamamagitan ng paaralan ng iyong anakl
- Mag-apply sa CalFresh
Ang pagkuha ng P-EBT ay hindi nakakaapekto sa:
- Iba pang benepisyong posibleng natatanggap mo
- Iyong status sa immigration o pagiging public charge mo
Mga P-EBT card
Gumagana sa parehong paraan ang mga P-EBT card at CalFresh EBT card. Puwede mong gamitin ang mga ito para bumili ng pagkain sa karamihan ng mga grocery store, farmers market, at online.
Kung may P-EBT card na ang iyong anak, mare-reload ito nang hanggang $375 sa Disyembre 2021.
Para sa mga bata na bagong kwalipikado para sa P-EBT, ipapadala ang mga card sa Disyembre 2021. Makakatanggap ang bawat bata ng hiwalay na card. Ipapadala ang mga card batay sa edad at sa sunod-sunod na ayos sa alpabeto ayon sa pangalan.
Bisitahin ang website ng P-EBT para sa higit pang impormasyon tungkol sa programang ito.
Kung kailangan mo ng tulong, tumawag sa Helpline ng P-EBT sa 877-328-9677 (M-F, 6 am hanggang 8 pm).
Mga pagkaing inihahatid sa tirahan para sa mga nakatatanda
Puwede kang makatanggap ng mga pagkaing inihahatid sa bahay kung ikaw ay:
- May edad na 60 taon pataas, at
- Mahina o nasa bahay lang dahil sa sakit o kapansanan, o kaya ay nag-a-isolate
Hindi nakakaapekto ang antas ng iyong kita sa pagiging kwalipikado mong makatanggap ng mga pagkain.
Kung kwalipikado kang makatanggap ng mga pagkain, posible ring makatanggap ng mga pagkain ang mga miyembro ng iyong sambahayan. Kasama rito ang:
- Ang iyong asawa, kung wala pa siyang 60 taong gulang
- Mga miyembro ng sambahayan na may kapansanan
Para maghanap ng provider ng pagkain:
- Tumawag sa 1-800-510-2020. Iuugnay ka ng naka-automate na linyang ito sa linya ng telepono para sa mga serbisyo sa iyong county. Available ito sa English, Spanish, at Chinese.
- Hanapin ang numero ng telepono para sa iyong county sa listahang ito at tumawag dito para maiugnay.
Maghanap ng higit pang serbisyo
Available ang higit pang serbisyo sa:
- Mga nakakatandang nasa hustong gulang
- Mga nasa hustong gulang na may mga kapansanan
- Mga pampamilyang tagapag-alaga
Para matuto pa:
- Tumawag sa 1-800-510-2020
- Hanapin ang numero ng telepono ng iyong county sa listahang ito
- Tingnan ang mga programa at serbisyo na available mula sa Departamento sa Pagtanda ng California.
Mga food box para sa mga nakatatanda
Kung ikaw ay may edad na 60 taon pataas, makakakuha ka ng mga karagdagang food box mula sa ilang food bank para maipangdagdag sa mga pagkain mo. Namamahagi ang mga food bank na ito ng mga food box. Tumawag sa nakalistang food bank sa iyong lugar para makakuha ng kahon.
Great Plates Delivered
Natapos na ang programang Great Plates Delivered noong Hulyo 9, 2021. Naghatid ng mga pagkain ang programang ito sa mga nakatatanda mula sa mga lokal na restaurant. Nakatulong ang programang ito sa mga nakakatanda na manatiling ligtas sa bahay sa panahon ng pandemic.
Tumawag sa hotline ng impormasyon sa COVID-19 ng California
Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng pagkain, tumawag sa hotline ng impormasyon sa COVID-19 ng California sa 833-422-4255.
Bukas ang hotline M-F, 8 am hanggang 8 pm, at Sab-Lin, 8 am hanggang 5 pm.
Tumawag sa hotline para sa:
- Tulong sa pakikipag-ugnayan sa mga kinakailangang serbisyo sa iyong lugar
- Mga sagot sa mga pangkalahatang tanong tungkol sa COVID-19