Mga kasalukuyang hakbang na pangkaligtasan
Huling na-update Mayo 17, 2023 sa 11:13 AM
Tapos na ang State of Emergency sa COVID-19 sa California, ngunit hindi pa rin nawawala ng COVID-19. Para ligtas tayong makapagpatuloy sa ating mga araw-araw na buhay, kailangan nating patuloy na gumawa ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat.
Sa page na ito:
- Ang dapat gawin ngayon
- Mga Dapat Gawin at Hindi Dapat Gawin para sa pang-araw-araw na buhay
- Ligtas na pagtitipon-tipon
- Planong SMARTER
- Mga nakaraang paghihigpit
Ang dapat gawin ngayon
Gamitin ang mga tool na ito para manatiling ligtas at maprotektahan ang iyong sarili at ang ibang tao mula sa COVID-19.

Mga pagbabakuna
Magpabakuna at magpa-booster para sa iyo at iyong mga anak. Ito ang pinakamainam nating armas para mawakasan ang pandemya. Ligtas, epektibo, at libre ang pagpapabakuna.

Mga mask
Magsuot ng mask para iwasang ihawa ang virus sa mga mabilis dapuan ng sakit. Kasama rito ang mga may mahihinang immune system, mga buntis, at ang mga hindi bakunado.

Pagsusuri
Magpasuri para sa COVID-19 kung ikaw ay na-expose. Available at kumpidensyal ito para sa lahat ng nasa California.

Pag-quarantine at pag-isolate
Alamin kung gaano katagal dapat manatili sa bahay at iwasan ang iba kung nagpositibo ka sa COVID-19. Alamin kung paano alagaan ang iyong sarili at ang iba kung na-expose ka.

Digital na talaan ng bakuna
Pwede mong ma-access ang kopya ng digital na talaan ng bakuna mo kung nabakunahan ka sa California. I-save mo ito sa iyong telepono at gamitin ito bilang katibayan ng pagbabakuna kahit saan ka man pumunta.

Edukasyon at childcare
Alamin kung paano natin nilalabanan ang COVID-19 sa mga K-12 na paaralan at childcare center. Kunin ang mga panuntunan at regulasyon para sa pagsusuot ng mask, pagpapabakuna, at pagpapasuri.

Kaligtasan sa lugar ng trabaho
Responsibilidad ng mga employer na panatilihing ligtas ang lugar na pinagtatrabahuan. Tingnan ang mga panuntunan at pamantayan ng estado sa kung paano magagawa ng iyong employer na protektahan ka at ang iyong mga katrabaho.

Paggamot
Libre, available sa maraming lugar, at mabisa ang mga gamot laban sa COVID-19 sa pagpigil sa paglala ng sakit na dulot ng COVID-19.

Paglalakbay
Panatilihin ang California na malusog at ang ating mga komunidad na bukas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin sa pagbiyahe ng CDC.
Tingnan ang Gabay sa COVID-19 sa higit pang wika.
Mga Dapat Gawin at Hindi Dapat Gawin para sa pang-araw-araw na buhay
Protektahan ang iyong sarili at ang iba sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga common sense na hakbang na ito para sa kaligtasan.
Gawin
- Magpabakuna at magpa-booster
- Mag-isolate kung nag-positibo sa test. Kung may mga sintomas ka, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa paggamot.
- Ikonsidera ang pagsuot ng mask kapag mas mataas ang mga antas ng may COVID-19
- Magpasuri at manatili sa bahay kung may sakit ka
- Magpasuri kung kinakailangan sa iyong trabaho
- Magsuot ng mask para maprotektahan ang mga bulnerable
Hindi Dapat Gawin
- Iwala ang iyong katunayan ng pagpapabakuna
- Isipin na hindi mo makukuha o maipapasa ang virus dahil maganda ang pakiramdam mo
- Ipagpalagay na nabakunahan na ang lahat
- Asahan na naalis na ang lahat ng mga panuntunan sa COVID-19
- Dumalo sa malalaking kaganapan kung ikaw ay may sakit
- Magbiyahe kung may sakit ka
Basahin ang Paano Protektahan ang Iyong Sarili at ang Ibang Tao ng CDC at Ang Dapat Gawin Kung Nalantad Ka at Ang Dapat Gawin Kung Magpopositibo Ka sa Pagsusuri ng CDPH
Ligtas na pagtitipon-tipon
Habang kasama mo ang iyong mga kaibigan at kapamilya, alalahanin ang COVID-19. Magsagawa ng mga hakbang para iwasan ang pagkalat nito.
- Magpabakuna at magpa-booster. Ito ang pinakamagandang paraan para protektahan ang iyong sarili at ang iba.
- Magpasuri kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19.
- Manatili sa bahay kung mayroon kang sakit.
- Tingnan ang mga lokal na kundisyon. Posibleng may mas mahigpit na gabay ang iyong county kumpara sa estado. Magsagawa ng mga karagdagang pag-iingat kapag mataas ang mga antas ng iyong komunidad. Gamitin ang COVID-19 County Check tool sa itaas para malaman ang antas ng iyong komunidad.
- Magsuot ng mask na maayos ang fit sa iyong ilong at bibig:
- Kapag tumataas ang mga kaso, at nasa katamtaman at mataas na mga level ng komunidad
- Sa loob ng 10 araw pagkatapos ng matinding pagkakalantad sa isang taong nagpositibo para sa COVID-19
- Kapag ikaw ay may kasamang mga taong madaling magkasakit, kabilang ang mga taong mas matanda o may mga medikal na kundisyon
- Bisitahin ang Sulitin ang Pagsusuot ng Mask para sa mga tip kung paano masulit ang proteksyon mula sa iyong mask.
- Kapag nagtitipon-tipon sa loob, magkaroon ng maayos na bentilasyon. Magbukas ng mga pinto at bintana, paganahin ang mga HVAC system, at maglagay ng mga mataas na kalidad na air filter.
Planong SMARTER
Magiging gabay ng Planong SMARTER ang pagtugon ng California sa mga yugto ng COVID-19 sa hinaharap. Kasama sa plano ang mga sumusunod:
- Ang mga nagawa na natin
- Paano pinagbatayan ang ating mga karanasan para sa ating pamamaraan sa hinaharap
- Paano tayo naghahanda para sa hinaharap
- Paano nating pinapamahalaan ang panganib para panatilihing ligtas ang mga tao
Basahin ang buong Planong SMARTER.
Mga nakaraang paghihigpit
Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit na COVID-19
Nakakilos na ang California ayon sa Beyond the Blueprint para ligtas at ganap na mabuksan ang ekonomiya.
Mula noong Pebrero 28, 2023, winakasan na ng Gobernador ang COVID-19 State of Emergency ng estado. Inalis din niya ang mga inilagay na ehekutibong pagkilos simula Marso 2020 bilang bagahi ng pagtugon sa pandemic.
Ang utos sa pampublikong kalusugan na nagkaroon ng bisa noong Marso 13, 2023, ay nangingibabaw sa lahat ng naunang kautusan sa kalusugan. Ang utos ay magdudulot ng pag-iwas at diskarte sa mitigasyon upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa mga bahay, lugar ng trabaho, at komunidad.
Basahin ang inilabas na balita ng Gobernador at makakuha ng detalye sa inilabas na balita ng CDPH.