Mga Manggagawa
Hotline para sa COVID-19 Enero 6, 2021 sa 6:14 PM
Nagsisikap ang California na bigyan ng suportang pinansyal ang mga taong apektado ng outbreak ng COVID-19 at mapanatili silang ligtas.
Sa page na ito:
- Insurance para sa nawalan ng trabaho
- Pagpapanatiling ligtas sa mga lugar ng trabaho
- Suporta para sa mga nagtatrabahong magulang
- Pansamantalang pabahay para sa mga mahalagang manggagawa
- Mga tanong at sagot
Alamin kung sa anong mga benepisyo ka kwalipikado at kung paano mag-apply para sa mga ito. Tingnan ang chart na ito ng mga benepisyo na available para sa mga manggagawa.
Insurance para sa nawalan ng trabaho
Kung nawalan ka ng trabaho o nabawasan ang mga oras mo, at natutugunan mo ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado, maaari kang maging kwalipikadong makatanggap ng mga benepisyo ng Insurance para sa Nawalan ng Trabaho (Unemployement Insurance, UI) mula sa Kagawaran ng California para sa Pagsusulong ng Trabaho (Employment Development Department).
Gabay sa pag-a-apply para sa mga benepisyo sa kawalan ng trabahoInalis ng estado ang mga tagal ng paghihintay para sa insurance para sa nawalan ng trabaho at kapansanan para sa mga taga-California na mawawalan ng trabaho dahil sa outbreak ng COVID-19.
Tingnan ang programa at benepisyo para sa mga manggagawang apektado ng COVID-19 ng EDD para sa pinakabagong balita.
Tulong para sa mga self-employed at independent na kontratista
Simula Abril 28, maglulunsad ang estado ng bagong programa para tulungan ang mga walang trabaho o walang regular na trabaho na taga-California na mga may-ari ng negosyo, self-employed, independent na kontratista, at iba pang naapektuhan sa pinansyal na paraan dahil sa pandemya. Isa itong programang pinopondohan ng pederal na tinatawag na programang Tulong sa Nawalan ng Trabaho sa Panahon ng Pandemya (Pandemic Unemployment Assistance, PUA).
Ang mga benepisyo sa PUA ay magiging available kung hindi ka magkakwalipika para sa mga regular na benepisyo sa UI sa California o ibang estado, at hindi rin magkakwalipika para sa mga benepisyo sa Insurance sa May Kapansanan ng Estado o May Bayad na Leave para sa Pamilya. May kasamang hanggang 57 linggo ng mga benepisyo ang programang PUA.
Higit pang benepisyo para sa mga manggagawang nakakatanggap ng UI o PUA
Simula Disyembre 27, ang mga manggagawa ng California na nakakatanggap ng mga benepisyo sa UI o Tulong sa Mga Walang Trabaho sa Panahon ng Pandemya (Pandemic Unemployment Assistance, PUA) ay makakakuha ng $300 kada linggo na awtomatikong idaragdag sa kanilang mga benepisyo.
Ang mga manggagawang nakatanggap ng mga benepisyo sa pagitan ng Hulyo 26 at Setyembre 5, 2020 ay makakakuha ng $300 kada linggo na idaragdag nang awtomatiko sa kanilang mga benepisyo.
Ang mga manggagawang nakatanggap ng mga benepisyo sa pagitan ng Marso 29 at Hulyo 25, 2020 ay makakakuha ng $300 kada linggo na idaragdag nang awtomatiko sa kanilang mga benepisyo.
Kung nagamit mo na ang lahat ng iyong available na benepisyo sa UI, posibleng may maging available na karagdagang 24 na linggo ng mga benepisyo sa pamamagitan ng Pang-emergency na Kabayaran para sa Kawalan ng Trabaho sa Panahon ng Pandemya (Pandemic Emergency Unemployment Compensation, PEUC).
Kung nagamit mo na ang lahat ng iyong benepisyo sa PEUC, posibleng may maging available na karagdagang 20 linggo ng mga benepisyo sa pamamagitan ng programa sa mga benepisyo na Pinalawig ng Pederal at Estado (Federal-State Extended Duration, FED-ED).
Bisitahin ang site ng CARES Act ng EDD para sa mga pinakabagong update tungkol sa pagpapatupad ng California ng mga programang ito.
Tingnan ang mga sagot ng EDD sa mga madalas itanong tungkol sa COVID-19 at kawalan ng trabaho.
Pagpapanatiling ligtas sa mga lugar ng trabaho
Mga manggagawang may impeksyong dulot ng COVID-19
Kung may trabaho ka at mayroon kang COVID-19, dapat kang manatili sa bahay. May mga available na opsyon kung hindi ka makakapagtrabaho dahil ikaw o ang isang taong inaalagaan mo ay may sakit o nagka-quarantine.
- Tingnan ang mga tanong at sagot sa ibaba.
- Makakita ng impormasyon tungkol sa mga programa ng pamahalaan na sumusuporta ng sick leave para sa COVID-19 at bayad-pinsala sa mga manggagawa.
Mga karapatan at kaligtasan ng mga manggagawa
- Alamin ang tungkol sa mga karapatan ng empleyado sa panahon ng pandemya ng COVID-19
- Alamin kung paano maghain ng reklamo sa kaligtasan sa lugar ng trabaho.
- Nangalap ang Department of Industrial Relations ng mga resource at gabay tungkol sa COVID-19 na nakatuon sa mga manggagawa at kanilang mga pangangailangan.
Suporta para sa mga nagtatrabahong magulang
- Tingnan ang suporta para sa mga nagtatrabahong pamilya (PDF) para sa impormasyong makakatulong sa iyong maghanap ng pangangalaga ng bata, maghanap ng tulong sa pagbabayad ng pangangalaga ng bata, at nag-uugnay sa iyo sa mga karagdagang suporta para sa iyong pamilya.
- Bisitahin ang page na Pangangalaga ng Bata para matuto pa tungkol sa mga opsyon sa pangangalaga ng bata, na malapit sa iyo.
Pansamantalang pabahay para sa mga mahalagang manggagawa
Mga hotel room para sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan
Ang Hindi Naka-congregate na Paninirahan (Non-Congregate Sheltering, NCS) para sa Programa sa Mga Manggagawa sa Pangangalagang Pangkalusugan ng California (California Healthcare Workers Program) ay binuo para mapanatiling ligtas ang mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus. Nagbibigay ito ng mga hotel room para sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan na nagbibigay ng kritikal na pangangalaga sa mga pasyenteng may COVID-19 para hindi nila madala ang virus sa kanilang mga tahanan. Para alamin ang pagiging kwalipikado sa programa at kung paano magpareserba ng kwarto, bisitahin ang mga Hotel room para sa mga healthcare worker sa California.
Mga hotel room para sa mga manggagawa sa agrikultura
Ang programang Pabahay para sa Ani (Housing for the Harvest) ay nag-aalok ng pansamantalang pabahay sa mga manggagawa sa bukid at pagproseso ng pagkain, na kailangang mag-isolate dahil sa COVID-19. Tumutulong ito sa mga nalantad na manggagawa sa agrikultura, na maprotektahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng espasyo sa pag-self isolate.
Bisitahin ang Pabahay para sa mga agrikultural na manggagawa para malaman ang higit pang impormasyon.
Mga tanong at sagot
Manatiling updated
- CA Labor and Workforce Development Agency: Mga Madudulugan para sa Coronavirus 2019 (COVID-19) para sa Mga Employer at Manggagawa
- CA Employment Development Department: Coronavirus 2019 (COVID-19)
- Gabay at Mga Mapagkukunan para sa COVID-19 ng Cal/OSHA
- Sakit na Coronavirus (COVID-19) – Mga FAQ tungkol sa mga batas na ipinatupad ng Labor Commissioner’s Office ng California
- Update sa Mahahalaga at Hindi Mahahalagang Manggagawa
- Departamento sa Patas na Trabaho at Pabahay ng CA: Mga Mapagkukunan at Gabay para sa COVID-19
- Departamento sa Mga Ugnayan sa Industriya ng CA: Mga Mapagkukunan para sa COVID-19 at Bayad-pinsala sa Mga Manggagawa
- U.S. Department of Labor: Bayad na Leave sa Ilalim ng Families First Coronavirus Response Act
- CA Department of Public Health: Gabay sa Pag-quarantine sa Panahon ng COVID-19
- CA Department of Public Health: AB 685 Mga Ipinag-aatas sa Pag-uulat sa Oubreak ng COVID-19 sa Trabaho