Paggamot
Hotline para sa COVID-19 Enero 11, 2021 sa 10:30 PM
Kung mayroon kang lagnat, ubo, o iba pang sintomas, posibleng mayroon kang COVID-19. Kung sa palagay mo ay posibleng nalantad ka sa COVID-19, makipag-ugnayan sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan.
Sa page na ito, makikita mo ang sumusunod:
- Bakit mga naaprubahang paggamot lang ang dapat gamitin
- Mga gamot na naaprubahan para sa paggamit
- Paggamot sa labas ng ospital
- Paggamot sa ospital
- Ang dapat gawin kung mayroon kang sakit
- Mga tanong at sagot
Bakit mga naaprubahang paggamot lang ang dapat gamitin
Mga paggamot lang para sa COVID-19 na inireseta ng iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan ang dapat gamitin. Puwedeng magdulot ng matinding pinsala o pagkamatay ang mga hindi naaprubahang paggamot.
Mga gamot na naaprubahan para sa paggamit
- May naaprubahan na ang Pangasiwaan para sa Pagkain at Gamot (Food and Drug Administration, FDA) na isang gamot para sa paggamot ng COVID-19: ang remdesivir (Veklury)
- Naglabas ang FDA ng mga pahintulot para sa emergency na paggamit (emergency use authorization, EUA). Nagbibigay-daan ito sa mga provider ng pangangalagang pangkalusugan na gumamit ng mga produktong hindi pa naaaprubahan. Ang ilang gamot na naaprubahan para sa ibang paggamit ay pinapahintulutan din para sa paggamot ng COVID-19. Pero dapat matugunan ang ilang partikular na kinakailangan.
- Bumuo ang Mga Pambansang Institusyon ng Kalusugan (National Institutes of Health, NIH) ng Mga Alituntunin sa Paggamot ng COVID-19. Nakakatulong ang mga ito sa mga provider ng pangangalagang pangkalusugan para sa COVID-19 na maunawaan kung paano gamitin ang mga available na gamot.
Paggamot sa labas ng ospital
Kung positibo ang magiging resulta ng iyong pagsusuri para sa COVID-19 at malamang ay magkasakit ka, posibleng irekomenda ng iyong doktor na magpagamot ka.
Para sa mga pasyenteng malaki ang posibilidad na magkasakit
Para sa mga taong malaki ang posibilidad na magkaroon ng malalang sakit, naglabas ang FDA ng mga EUA para sa dalawang monoclonal antibody. Ito ay bamlanivimab at casirivimab at imdevimab. Kumakapit ang mga ito sa ilang bahagi ng virus, na tumutulong sa immune system na matukoy at matugunan ito. Kung gagamitin ang mga ito, dapat ibigay ang mga ito sa lalong madaling panahon, o sa loob ng 10 araw pagkatapos magsimula ang mga sintomas.
Ayon sa Mga Alituntunin sa Paggamot ng NIH para sa COVID-19, wala pang sapat na ebidensya para irekomenda o hindi irekomenda ang mga paggamot na ito. Hindi dapat ituring ang mga ito bilang pamantayan ng pangangalaga. Available ang mga paggamot na ito sa mga nakatalagang lokasyon para sa pamamahagi. Available din ang mga ito sa maraming pasilidad para sa pangmatagalang pangangalaga sa California.
Para sa mga pasyenteng maliit ang posibilidad na magkasakit
Kung malusog ka sa pangkalahatan, posibleng irekomenda ng iyong doktor ang sumusunod:
- Pag-inom ng mga gamot, gaya ng acetaminophen o ibuprofen, para bumaba ang lagnat
- Pag-inom ng tubig o pagtanggap ng mga intravenous na likido para manatiling hydrated
- Sapat na pagpapahinga para matulungan ang katawan na labanan ang virus
Paggamot sa ospital
Magpapasya ang iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan sa kung anong hakbang ang gagawin para sa iyong paggamot. Mayroon nang ilang gamot na nakabawas sa kalalaan ng sakit o posibilidad ng pagkamatay para sa mga pasyenteng nasa ospital sa pamamagitan ng:
- Pagpapabagal sa virus. Napapabagal ng mga antiviral na gamot ang pag-multiply at pagkalat ng virus sa katawan.
- Ang remdesivir (Veklury) ay isang antiviral na gamot na naaprubahan ng FDA para sa paggamot ng COVID-19. Inirerekomenda ng mga alituntunin ng NIH ang remdesivir para sa ilang partikular na nasa ospital na pasyenteng may COVID-19. Ibinibigay ito sa mga pasyente sa pamamagitan ng IV.
- Pagpigil sa overactive na pagtugon ng immune system. Sa mga pasyenteng may malalang COVID-19, posibleng mag-overreact ang immune system ng katawan sa banta ng virus. Puwede itong magdulot ng pinsala sa mga organ at tissue ng katawan. Puwedeng makatulong ang ilang paggamot na bawasan ang overractive na pagtugon na ito ng immune system.
- Ang dexamethasone ay isang steroid na gamot. Ito ay kumikilos na mistulang natural na hormone na gawa ng katawan, at nakakapigil o nakakabawas sa pinsala. Inirerekomenda ng mga alituntunin ng NIH ang dexamethasone para sa ilang pasyenteng may malalang COVID-19. Inirerekomenda ang dexamethasone sa mga pasyenteng nangangailangan ng karagdagang oxygen.
- Paggamot ng mga kumplikasyon. Puwedeng mapinsala ng COVID-19 ang puso, mga daluyan ng dugo, bato, utak, balat, mata, at gastrointestinal na organ. Puwede rin itong magdulot ng iba pang kumplikasyon. Depende sa sitwasyon, posibleng kailanganin ng higit pang paggamot, gaya ng mga pampalabnaw ng dugo para sa namumuong dugo.
- Pagsuporta sa paggana ng immune system ng katawan. Ang plasma mula sa mga pasyenteng gumaling mula sa COVID-19 ay puwedeng maglaman ng mga antibody sa virus. Makakatulong ito sa immune system na mas mahusay na matukoy at matugunan ang virus. Pero sa kasalukuyan, hindi inirerekomenda ng mga alituntunin ng NIH ang paggamot gamit ang plasma.
Ang dapat gawin kung mayroon kang sakit
Kung mayroon kang COVID-19 o kung sa palagay mo ay mayroon ka nito, hindi ka dapat magpatuloy nang tulad sa nakasanayan. Dapat mong alagaan ang iyong sarili at protektahan ang ibang tao sa iyong tahanan at komunidad.
Sundin ang mga hakbang na ito:
- Manatili sa bahay. Hindi malala ang magiging sakit ng karamihan ng mga taong may COVID-19. Malamang ay gumaling ka sa bahay nang walang medikal na pangangalaga. Huwag lumabas ng bahay, maliban na lang kung para sa paggamot. Huwag pumunta sa mga pampublikong lugar. Umiwas sa pampublikong transportasyon, ride-sharing, o mga taxi.
- Alagaan ang iyong sarili. Magpahinga at manatiling hydrated. Uminom ng mga over-the-counter na gamot, gaya ng acetaminophen, para bumuti ang iyong kalagayan.
- Patuloy na makipag-ugnayan sa iyong doktor. Tumawag muna bago ka humingi ng medikal na pangangalaga. Magpatingin kung nagkakaproblema ka sa paghinga o kung mayroon kang iba pang nakakabahalang senyales na nagpapahiwatig ng emergency.
Kung mayroon ka ng mga nakakabahalang senyales na ito na nagpapahiwatig ng emergency tumawag sa 911.
Mga nakakabahalang senyales ng COVID-19 na nagpapahiwatig ng emergency
Mga tanong at sagot
Manatiling updated
- CDC: Mga Paggamot na Puwedeng Irekomenda ng Iyong Provider ng Pangangalagang Pangkalusugan Kung Mayroon Kang Sakit
- CDC: Paano Kumakalat ang COVID-19
- CDC: Ano Ang Gagawin Kung Ikaw Ay May Sakit
- CDC: Kailan Ka Pwedeng Lumapit sa Ibang Tao Matapos Mong Magkaroon o Posibleng Nagkaroon ng COVID-19
- CDC: Pagtigil ng Pag-isolate para sa Mga Taong May COVID -19 na Wala sa Mga Lugar ng Pangangalagang Pangkalusugan
- NIH: Mga Alituntunin sa Paggamot ng COVID-19
- NIH: Database ng klinikal na pagsubok
- Mga klinikal na pagsubok ng NIH para sa mga bakuna at gamot: Mga Klinikal na Pag-aaral ng Center para sa Pananaliksik ng Bakuna