Paglalakbay
Huling na-update Abril 16, 2021 sa 4:28 PM
Mas malaki ang panganib na magkaroon ng COVID-19 at mahawaan ang iba kapag naglakbay. Dahil dito, hinihiling sa iyo ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California at CDC na iantala muna ang paglalakbay hanggang sa ganap kang mabakunahan.
Sa page na ito:
- Mga kasalukuyang rekomendasyon sa paglalakbay
- Ano ang itinuturing na mahalagang paglalakbay
- Bakit lumalaki ang panganib sa paglalakbay
- Mga tanong at sagot
Mga kasalukuyang rekomendasyon sa paglalakbay
Sundin ang Abiso sa Paglalakbay ng CDPH
Dapat sumunod ang lahat ng naglalakbay sa Abiso sa Paglalakbay ng CDPH. Hinihiling nito sa iyo na:
- Ipagpaliban ang hindi kinakailangang paglalakbay hanggang sa ganap kang mabakunahan
- Sundin ang gabay sa paglalakbay ng CDC
- Mag-isolate at sumunod sa mga rekomendasyon sa pampublikong kalusugan kung magpopositibo ka o kung magkakaroon ka ng nga sintomas ng COVID-19.
Kung hindi ka pa nababakunahan:
- Iwasan ang hindi kinakailangang paglalakbay
- Kung kailangan mong maglakbay, dapat kang magpasuri 1-3 araw bago ka maglakbay, at 3-5 araw pagkatapos mong maglakbay
- Pagkatapos mong maglakbay, i-quarantine ang iyong sarili nang 7 araw, anuman ang naging resulta ng iyong pagsusuri. Kung hindi ka nagpasuri, i-quarantine ang iyong sarili nang 10 araw.
Lubos na hinihikayat ang mga hindi kinakailangang manlalakbay mula sa iba pang estado o bansa na huwag pumunta sa California. Kung pupunta sila, dapat silang mag-quarantine gaya ng nakabalangkas sa itaas.
Tugunan ang mga kinakailangan sa paglalakbay sa U.S.
- Kinakailangan ng lahat ng pasaherong papasok sa U.S. na magnegatibo sa resulta ng pagsusuri para sa COVID-19 o ng dokumentasyon ng paggaling bago sila makasakay sa isang flight papunta sa Estados Unidos.
- Kinakailangan ang mga mask sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon papunta sa at sa loob ng U.S. Kasama rito ang mga eroplano, bus, tren, bangka, at sa kung saan ka sasakay sa mga ito.
Ano ang itinuturing na mahalagang paglalakbay
Ang ilang paglalakbay ay itinuturing na mahalaga at kinakailangan. Ang “mahalagang paglalakbay” ay paglalakbay na nauugnay sa pagpapatakbo, pagmementina, o paggamit ng kritikal na imprastruktura o inaatasan o hayagang inaawtorisahan ng batas (kasama ang iba pang naaangkop na direktiba sa pampublkong kalusugan ng estado at lokal), kasama ang:
- Kritikal na imprastruktura (gaya ng supply ng tubig o power grid)
- Mga serbisyong pang-ekonomiko (gaya ng bangko)
- Mga supply chain (gaya ng pamamahagi ng pagkain)
- Pangangalagang pangkalusugan at agarang medikal na pangangalaga
- Kaligtasan at seguridad
- Trabaho at pag-aaral
Bakit lumalaki ang panganib sa paglalakbay
Kapag naglakbay ka, mas matagal ang ginugugol mong oras sa labas at may nakakaugnayan kang mga taong hindi mo kasama sa bahay. Malapit ka sa mga bagong tao sa mga airport, istasyon ng tren, gasolinahan, grocery store, restaurant, hotel, panandaliang rentahan, pasyalan, at tindahan. Ang mga bagong taong ito ay maaaring nag-e-expose sa iyo sa COVID-19, o maaaring hindi mo namamalayang nae-expose mo sila.
Ang mga taong darating mula sa iba pang estado, o ang mga Californian na babalik mula sa iba pang estado o bansa ay puwede ring magdala ng mga bagong strain ng coronavirus sa California, na magdudulot ng higit pang sakit at pagkamatay.
Ipagpaliban ang hindi kinakailangang paglalakbay hanggang sa ganap kang mabakunahan para maprotektahan ang iyong sarili at ibang tao mula sa COVID-19.
Basahin ang Abiso sa Paglalakbay ng CDPH para sa higit pang impormasyon.