Great Plates: Mga libreng meal na inihahatid sa mga nakatatanda
Hotline para sa COVID-19 Enero 11, 2021 sa 9:50 AM
Makakakuha ang mga nakatatanda sa California ng tatlong libreng pang-restaurant na pagkain sa pamamagitan ng Great Plates Delivered. Nagbibigay-daan sa kanila ang programang ito para sa delivery sa tahanan na manatiling ligtas sa bahay sa panahon ng pandemya.
Sa page na ito:
- Paano makatanggap ng mga meal
- Paano magbigay ng mga meal
- Tungkol sa programang ito
- Mga karagdagang resource
Paano makatanggap ng mga meal
Alamin kung kwalipikado ka
Posibleng kwalipikado ka para sa Great Plates kung ikaw ay:
- May edad na 65 taon pataas, 60-64 na taong gulang at na-diagnose na may o nalantad sa COVID-19, o itinuturing na nasa malaking panganib ng CDC
- Walang kasama sa bahay o may kasama sa bahay na isang hustong gulang na kwalipikado sa programa
- Hindi kasalukuyang nakakatanggap ng tulong mula sa iba pang programa ng tulong sa nutrisyon ng estado o pederal, gaya ng CalFresh/SNAP o Meals on Wheels
- Nahihirapang mag-access ng pagkain o maghanda ng mga sarili mong meal
- Kumikita nang nasa o wala pang 600% ng limitasyon ng kahirapan ayon sa pederal
- Nakatira sa isang county o lungsod na kasama sa programa
Mag-sign up para sa delivery
Makipag-ugnayan sa isang administrator ng Great Plates sa iyong lungsod o county at magtanong tungkol sa mga libreng meal na inihahatid sa bahay para sa mga nakatatanda:
- Alameda County: tumawag sa 800-510-2020 o 510-577-3530.
- Lungsod ng Bell Gardens (Center para sa Mga Nakatatanda): tumawag sa 562-334-1779 o mag-email sa rescobedo@bellgardens.org
- Contra Costa County (Helpline): tumawag sa 800-510-2020
- Lungsod ng Elk Grove: tumawag sa 916-627-3331
- Lungsod ng Lodi: tumawag sa 209-369-1591 o mag-email sa meals@loelcenter.net
- Lungsod ng Los Angeles (Dept of Aging Hotline): tumawag sa 213-263-5226, 9am – 5pm
- Los Angeles County: tumawag sa 211, mag-email sa greatplates@wdacs.lacounty.gov, o pumunta sa https://wdacs.lacounty.gov/greatplates/
- Marin County: tumawag sa 415-456-9073
- Mendocino County: tumawag sa 707-463-7900, 877-327-1799, o mag-email sa mendocinocounty.org/greatplates
- Monterey County: tumawag sa 831-796-3530 o mag-email sa murrayphillipsk@co.monterey.ca.us, o tumawag sa 831-755-4447 o mag-email sa mcaaa@co.monterey.ca.us
- Lungsod ng Moreno Valley (Hotline): tumawag sa 951-413-3280
- Lungsod ng Oakland: tumawag sa 510-238-FOOD (3663), mag-email sa: greatplates@oaklandca.gov, o mag-apply para sa mga meal online
- Nevada County (Adult Services Office): tumawag sa 530-265-1639
- Lungsod ng Parlier: tawagan si Eva Beltran sa 559-646-3545 ext. 242, o mag-email sa ebeltran@parlier.ca.us
- Lungsod ng Pasadena: tumawag sa 626-744-7311 o mag-email sa: GreatPlatesDelivered@cityofpasadena.net
- Lungsod ng Perris (Public Health Hotline): tumawag sa 951-435-7206
- Lungsod ng Rancho Cordova (Customer Service Line): tumawag sa 916-851-8700
- Lungsod ng Rancho Mirage (COVID Hotline): tumawag sa 877-652-4844 o mag-email sa greatplates@ranchomirageca.gov
- Riverside County (Office on Aging Line): tumawag sa 800-510-2020, 8am – 5pm
- Lungsod ng Sacramento (Hotline): tumawag sa 916-330-1444
- San Bernardino County (Hotline): tumawag sa 888-743-1485
- San Diego County: tumawag sa 800- 339-4661, o mag-apply para sa mga meal online
- San Joaquin County: sinuspinde ang programa simula Hunyo 10, 2020.
- Santa Cruz County: tumawag sa 831-454-4406 o mag-email sa hsd_greatplates@santacruzcounty.us
- Lungsod at County ng San Francisco (Dept. of Disability & Aging Helpline): tumawag sa 415-355-6700
- County ng San Mateo (Hotline): tumawag sa 800-675-8437
- Lungsod ng Seaside (Senior Services Office): tumawag sa 831-899-6809 o 831-899-6821
- Ventura County: tumawag sa 805-477-7300, mag-email sa Lois.vcaa@ventura.org, o mag-apply para sa mga meal online
Makakakita ng higit pang detalye tungkol sa pagtanggap ng mga meal sa mga madalas itanong (frequently asked questions, FAQ) tungkol sa kalahok (PDF).
Paano magbigay ng mga meal
Kung gusto mong mag-supply ng mga meal o tumulong sa pangangasiwa sa programa, basahin ang impormasyong ito at isumite ang iyong kahilingan.
- Gabay sa programa (PDF)
- Questionnaire sa pag-uulat ng data (DOC)
- Mga FAQ Tungkol sa lokal na administrator (PDF)
- Mga FAQ Tungkol sa Mga Restaurant (PDF)
- Gabay para sa mga pasilidad ng pagkain (video)
Tungkol sa programang ito
Noong Abril 24, 2020, inanunsyo ni Gobernador Gavin Newsom ang paglulunsad ng kauna-unahang programang “Great Plates Delivered” sa bansa, na isang serbisyo sa delivery ng pagkain para sa mga nakatatanda sa California.
Pinahintulutan ng programang Pampublikong Tulong (Public Assistance, PA) ng Ahensya para sa Emergency na Pamamahala ng Pederal (Federal Emergency Management Agency, FEMA) ang programang Great Plates Delivered hanggang Pebrero 6, 2021.
May dalawang layunin ang Great Plates Delivered:
- Tulungan ang mga nakakatanda at iba pang nasa hustong gulang na may mas malaking posibilidad na mahawahan ng COVID-19 na manatili sa bahay at manatiling malusog sa pamamagitan ng paghahatid ng tatlong masusustansyang pagkain araw-araw
- Magbigay ng mahalagang pang-ekonomiyang stimulus sa mga lokal na negosyo na nahihirapang magnegosyo sa panahon ng krisis sa COVID-19
Mga karagdagang resource
- Ilagay ang iyong lokasyon sa 211.org para makakita ng mga lokal na serbisyo, gaya ng tulong sa nutrisyon, pananalapi, pangangalagang pangkalusugan, at pabahay. Ang bawat komunidad ay may Linya ng Impormasyon para sa Pagtanda at Mga Nasa Hustong Gulang na mag-uugnay sa mga serbisyo sa pagtanda at mga nasa hustong gulang. Makipag-ugnayan sa naaangkop sa iyo sa 800-510-2020.
- Bisitahin ang page sa COVID-19 ng Departamento sa Pagtanda ng California para sa isang listahan ng mga resource para sa mga nakakatanda at iba pang nasa hustong gulang na nasa panganib.
- Sa palagay mo ba ay napapabayaan o inaabuso ang isang tao? Tumawag sa Mga Serbisyo sa Pagprotekta ng Mga Nasa Hustong Gulang sa 833-401-0832.
- May pinaghihinalaang panloloko? Ang Amerikanong Samahan ng Mga Retirado (American Association of Retired Persons, AARP) ay may Helpline ng Network para sa Pagsubaybay ng Panloloko sa 877-908-3360.
- Nag-aalala sa isang taong may dementia o Alzheimer’s o sa kanyang tagapag-alaga? Tumawag sa Alzheimer’s Association sa 800-272-3900.
Makipag-ugnayan sa hotline para sa COVID-19 ng California para sa mga tanong tungkol sa coronavirus sa 833-422-4255 (833-4CA-4ALL).