Mga mapagkukunan para sa emosyonal na suporta at kapakanan
Huling na-update Disyembre 18, 2020 sa 1:14 PM
24 na Oras na Lifeline para sa Pag-iwas sa Pagpapakamatay:
800-273-8255 o mag-text sa 83825524 na oras na Hotline para sa Karahasan sa Tahanan:
800-799-7233 o i-click ang Makipag-chat NgayonTumawag sa 911 kung ikaw o ang taong tinutulungan mo ay nasa panganib.
Ang outbreak ng coronavirus (COVID-19) ay nagpabago sa buhay nating lahat. Puwede kang makaramdam ng pagkabagabag, stress, pagkabalisa, lungkot, inip, depresyon, pag-iisa, o unsiyami sa mga panahong ito.
Hindi ka nag-iisa.
May mga diskarte sa pamamahala ng stress gaya ng sumusunod:
- Maging maingat sa pagtanggap ng impormasyon mula sa mga pinagmumulan ng balita tungkol sa virus, at pag-isipang magpahinga mula sa kakaisip nito.
- Patuloy na makipag-ugnayan sa mga indibidwal na nakakapagbigay ng suporta gaya ng mga kaibigan, kapamilya, o iba pa, sa pamamagitan ng telepono, text, o internet.
- Alagaang mabuti ang iyong katawan: pumili ng masusustansyang kumain, iwasan ang labis na alak, at mag-ehersisyo kung posible.
- Pag-isipang tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung nakakaabala ang iyong pagkabalisa sa iyong mga pang-araw -araw na aktibidad.
- Matuto tungkol sa mga karagdagang diskarte sa pamamahala ng iyong stress para sa kalusugan.
Mga hotline kung kailangan mo ng makakausap
Kung nakakaramdam ka ng lungkot, depresyon, o pagkabalisa, o kung gusto mong saktan ang iyong sarili o ang ibang tao, puwede kang tumawag sa Pambansang Hotline para sa Pag-iwas sa Pagpapakamatay sa 800-273-8255.
May mga available na karagdagang rekurso kung nakakaranas ka ng krisis:
- Linya ng Tulong para sa Pagkabagabag sa Panahon ng Sakuna: Tumawag sa 800-985-5990 (TTY 800-846-8517) o mag-text sa TalkWithUs sa 66746 para sa 24/7 na suporta.
- Linya ng Text sa Panahon ng Krisis: I-text ang HOME sa 741741 para sa 24/7 na suporta sa panahon ng krisis.
- Mga Hotline ng California para sa Pagpapakamatay at Krisis: Maghanap ng mga numero ng telepono at link sa lahat ng hotline ng California para sa pagpapakamatay at krisis, ayon sa county.
- CalHOPE Peer-Run Warm Line: Tumawag sa 833-317-HOPE (4673) Lunes – Biyernes mula 7am – 11pm para sa suportang hindi pang-emergency na partikular sa COVID-19.
- California Warm Peer Line: Tumawag sa 855-845-7415 para sa 24/7 na suportang hindi pang-emergency para makipag-usap sa isang peer counselor na may bihasang karanasan.
Maghanap ng mga serbisyo sa kalusugang nauugnay sa pag-uugali at pag-iisip
Kung mayroon kang Medi-Cal at nangangailangan ka ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip, tumawag sa numero sa iyong card ng membership sa planong pangkalusugan, o tumawag sa linya para sa kalusugan ng pag-iisip ng iyong lokal na county. Para sa tulong sa paghahanap ng mga sinasaklaw na serbisyo, tumawag sa Pinapamahalaang Pangangalaga ng Medi-Cal at Kalusugan ng Pag-iisip ng Opisina ng Ombudsman sa 888-452-8609 Lunes hanggang Biyernes mula 8am – 5pm.
Kung mayroon kang planong pangkalusugan sa pamamagitan ng iyong employer o kung bumili ka ng sarili mong insurance sa kalusugan, at kailangan mo ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip, tumawag sa numero sa iyong card ng membership sa planong pangkalusugan.
Kung sa palagay mo ay nilalabanan mo ang stress sa pamamagitan ng pag-inom ng alak o paggamit ng droga, may available na tulong mula sa mga programa para sa mga sakit sa pang-aabuso ng substansiya sa iyong county o tumawag sa pambansang locator ng paggamot sa 800-662-HELP.
Tumawag sa lokal na linya ng serbisyo ng California para sa Impormasyon sa Pagtanda at Mga Nasa Hustong Gulang sa 800-510-2020 para sa tulong sa paghahanap ng impormasyon at tulong sa iyong lugar.
Kung sa tingin mo ikaw ay hindi ligtas
Hindi kailanman naging tama ang pang-aabuso ng kapareha at may mga taong nariyan para tumulong, lalo na sa panahong ito ng krisis sa kalusugan. Kung posible, tumawag sa Pambansang Hotline para sa Karahasan sa Tahanan sa 800-799-SAFE o i-text ang LOVEIS sa 22522 para sa 24/7 na tulong sa Ingles o Spanish. Kung hindi mo iyon magagawa, bumisita sa TheHotline.org para malaman kung paano gumawa ng plano sa kaligtasan o makahingi ng agarang tulong gamit ang 24/7 na feature na “Makipag-chat Ngayon.”
Tumawag o mag-text sa Sentro sa Rekurso ng Mga Biktima ng Krimen sa linyang 800-VICTIMS para sa impormasyon tungkol sa mga programa ng mga serbisyo sa mga biktima sa California.
Bisitahin ang website ng Lupon ng California sa Bayad-pinsala sa Mga Biktima para makakita ng impormasyon sa mga tagapagbigay ng serbisyo ng county para sa mga biktima sa California.
May mga available na karagdagang rekurso:
- Pakikipagtulungan ng California para Mawakasan ang Karahasan sa Tahanan: Tumawag sa 1-916-444-7163 Lunes hanggang Biyernes mula 8:30am – 5:30pm para sa tulong sa paghahanap ng mga lokal na programa.
- Gabay sa pagpaplano para sa kaligtasan: Gamitin ang gabay na ito para sa tulong sa pagpaplano para sa kaligtasan kung isa kang survivor ng karahasan ng isang kapareha.
- Listahan ng Mga Tagapagbigay ng Serbisyo para sa Karahasan sa Tahanan: Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga programa sa buong estado.
- Listahan ng Tagapagbigay ng Serbisyo para sa Mga Biktima ng Sekswal na Pang-aabuso at Pagpupuslit ng Mga Tao: Gamitin ang listahang ito para maghanap ng mga lokal na rekurso kung isa kang biktima ng sekswal na pang-aabuso o pagpupuslit ng mga tao.
Pagtulong sa Iba
Pagprotekta sa mga bata mula sa abuso at kapabayaan
Mahalaga ang tungkulin ng mga miyembro ng komunidad sa pagprotekta ng mga bata mula sa pang-aabuso at kapabayaan. Kung nababahala ka sa kalusugan o kaligtasan ng isang bata, tumawag sa lokal na hotline ng Mga Serbisyo sa Pagprotekta ng Mga Bata (Child Protective Services, CPS) para sa bansa kung saan nakatira ang bata o maghanap ng lokal na tagapagbigay ng serbisyo para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
Puwede kang tumawag o mag-text sa Pambansang Hotline ng Childhelp para sa Pang-aabuso ng Mga Bata 24/7 sa 800-4-A-CHILD para may makausap na propesyonal na tagapayo sa panahon ng krisis na makakapagbigay ng tulong sa mahigit 170 wika.
Puwede ka ring makatulong sa mga bata at kabataan na naabuso o pinabayaan sa pamamagitan ng pagboboluntaryo bilang foster na tagapag-alaga. Mangyaring makipag-ugnayan sa departamento ng Serbisyong Panlipunan o Serbisyong Pantao ng iyong lokal na county, o tumawag sa walang bayad na linya sa 800-KIDS-4-US.
Suporta sa pamilya
Kung sa palagay mo ay nangangailangan ang isang pamilya ng pagkain o tulong, o kung ikaw mismo ang nangangailangan ng mga rekurso, tumawag sa 211, makipag-ugnayan sa iyong lokal na non-profit na Sentro sa Rekurso ng Mga Pamilya, o mag-apply para sa mga pampublikong benepisyo, na posibleng kabilangan ng pangangalangang pangkalusugan, pinansyal na tulong, at tulong sa pagkain at nutrisyon, sa pamamagitan ng departamento ng Mga Serbisyong Panlipunan o Serbisyong Pantao at Pangkalusugan ng iyong county.
Puwede kang tumawag sa Linya ng Tulong para sa Mga Magulang at Kabataan ng California sa 855-427-2736 Lunes – Sabado mula 8:00am – 8:00pm para makatanggap ng emosyonal na suporta mula sa isang nagsanay na Tagapagsulong ng Magulang.
Ang Pambansang Alyansa para sa Sakit sa Pag-iisip (National Alliance on Mental Illness, NAMI) ng California ay may mga rekurso para sa mga miyembro ng pamilya na sumusuporta ng mga mahal sa buhay na may mga kundisyon sa kalusugan ng pag-iisip. Puwede kang tumawag sa kanilang Linya ng Tulong sa 800-950-NAMI para makakuha ng impormasyon, referral ng rekurso, at suporta mula 7:00am – 3:00pm o mag-email sa info@namica.org.
Makakakita ang mga tagapag-alaga ng mga rekurso sa website ng Departamento ng Pagtanda, pati ng mga alituntunin para maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan mo at ng iyong mga mahal sa buhay mula sa COVID-19.
Mga Serbisyo ng County sa Pagprotekta ng Mga Nasa Hustong Gulang
Mga Serbisyo sa Pagprotekta ng Mga Nasa Hustong Gulang: Tumawag sa 833-401-0832 24/7 para sa mga alalahanin tungkol sa pang-aabuso, kapabayaan, o pananamantala sa mga nasa hustong gulang.