Mga Mega-event
Huling na-update Mayo 12, 2022 sa 5:20 PM
Ang California ay may mga ipinag-aatas at rekomendasyon para sa mga mega-event para mabawasan ang transmisyon ng COVID-19.
Sa page na ito:
Ano ang mga mega-event
Ang mga mega-event ay:
- Mga indoor na event na may 1,000 tao o higit pa
- Mga outdoor na event na may 10,000 tao o higit pa
Kasama rito ang mga event tulad ng:
- Mga convention, conference, at expo
- Mga concert, show, at nightclub
- Mga sporting event
- Mga live na event at entertainment
- Mga fair, festival, at parada
- Mga theme park, amusement park, at water park
- Mga malaking pribadong event o pagtitipon
- Mga malaking karera, marathon, at endurance event
- Mga car show
Makikita ang kumpletong detalye sa gabay sa mga mega-event ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California (California Department of Public Health, CDPH).
Mga indoor na event
Para sa mga indoor na event na may 1,000 tao o higit pa, lubos na inirerekomenda ng CDPH sa mga operator ng venue at event na atasan ang mga attendee na 2 taong gulang pataas na magbigay ng katibayang sila ay:
- Nabakunahan na, o kaya
- Nagnegatibo sa pagsusuri sa COVID-19.
Inirerekomenda ng CDPH na gamitin ang Mga Alituntunin at Pamantayan ng Rekord ng Bakuna para ma-verify ang status ng pagpapabakuna.
Kung magbibigay ka ng mga resulta ng pagsusuri pagkapasok, dapat ay isinagawa ang pagsusuri sa nakalipas na:
- 1 araw para sa antigen test, o
- 2 araw parasa PCR test.
Hindi inirerekomenda ng CDPH ang paggamit ng self-attestation para i-verify ang status ng pagbabakuna o ang mga negatibong resulta ng pagsusuri.
Inirerekomenda ng CDPH sa mga operator na hingan ang mga attendee na 18 taong gulang pataas ng identification. Maaari kang hingan ng identification na nagkukumpirmang ikaw ang taong:
- Nagpapakita ng patunay ng status ng pagpapabakuna o negatibong resulta ng pagsusuri, at
- Pagpasok sa venue.
Mga Mask
Lubos na inirerekomenda ang pagsusuot ng mask para sa lahat indoors.
Inirerekomenda ng CDPH na magsuot ng mask na may maayos na fit at filtration. Kasama rito ang mga surgical mask at respirator gaya ng N95, KN95, at KF94. Alamin kung paano makuha ang pinakamaayos na fit at filtration mula sa iyong mask.
Mga outdoor na event
Para sa mga outdoor event na may 10,000 tao o higit pa, inirerekomenda ng CDPH sa mga operator ng venue at event na atasan ang mga attendee na 2 taong gulang pataas na magbigay ng katibayang sila ay:
- Nabakunahan na, o kaya
- Nagnegatibo sa pagsusuri sa COVID-19.
Inirerekomenda ng CDPH na gamitin ang Mga Alituntunin at Pamantayan ng Rekord ng Bakuna para ma-verify ang status ng pagpapabakuna.
Kung magbibigay ka ng mga resulta ng pagsusuri pagkapasok, dapat ay isinagawa ang pagsusuri sa nakalipas na:
- 1 araw para sa antigen test, o
- 2 araw parasa PCR test.
Hindi inirerekomenda ng CDPH ang paggamit ng self-attestation para i-verify ang status ng pagbabakuna o ang mga negatibong resulta ng pagsusuri.
Inirerekomenda ng CDPH sa mga operator na hingan ang mga attendee na 18 taong gulang pataas ng identification sa outdoor na malalaking event. Maaari kang hingan ng identification na nagkukumpirmang ikaw ang taong:
- Nagpapakita ng patunay ng status ng pagpapabakuna o negatibong resulta ng pagsusuri, at
- Pagpasok sa venue.
Mga Mask
Hindi kailangan ng mga tao na magsuot ng mask outdoors.
Lubos na inirerekomenda ang pagsusuot ng mask para sa lahat kapag pumapasok sa mga indoor na lugar tulad ng:
- Mga banyo
- Mga restaurant
- Mga retail shop
- Mga concourse
- Mga concession stand
Inirerekomenda ng CDPH na magsuot ng mask na may maayos na fit at filtration. Kasama rito ang mga surgical mask at respirator gaya ng N95, KN95, at KF94. Alamin kung paano makuha ang pinakamaayos na fit at filtration mula sa iyong mask.
Pag-oorganisa ng mga ligtas na event
Ang Gabay sa Mga Ligtas at SMART na Event ng CDPH ay may pinakamahuhusay na kasanayan at rekomendasyon para sa pag-produce ng mga ligtas na event. Suriin ito kung mag-oorganisa ka ng mga event at pagtitipon tulad ng:
- Mga kasal
- Mga araw ng pagtatapos
- Mga sports game
- Mga music festival
- Mga convention
- Mga marathon
- Mga concert
- Mga fair