Mga Holiday at COVID-19
Huling na-update Mayo 12, 2022 sa 1:45 PM
Manatiling ligtas sa mga holiday. Magdiwang sa mga paraang hindi nagpapakalat ng COVID-19. Kung gusto mong makipagkita sa iyong kapamilya indoors at nang walang mask, magpabakuna na.
Ligtas na pagtitipon-tipon
Habang kasama mo ang iyong mga kaibigan at kapamilya, alalahanin ang COVID-19. Magsagawa ng mga hakbang para iwasan ang pagkalat nito.
- Magpabakuna. Ito ang pinakamagandang paraan para protektahan ang iba.
- Panatilihing maliit ang mga pagtitipon
- Kung nabakunahan na ang lahat ng nasa isang indoor na pagtitipon, opsyonal magsuot ng mask
- Kung hindi pa nababakunahan ang mga bisita mo o kung hindi mo alam ang status nila, magplano ng mga pagtitipon na maliit, mabilis, at outdoors.
- Magsuot ng mask nang natatakpan ang iyong ilong at bibig:
- Kapag hindi posible ang social distancing
- Kapag ikaw ay posibleng may kasamang hindi pa nababakunahang tao, lalo na kapag indoors
- Kapag may kasama kang mga mas nakakatanda o taong may medikal na kundisyon
- Kapag nakikipagtipon sa loob, magkaroon ng maayos na bentilasyon. Magbukas ng mga pinto at bintana, paganahin ang mga HVAC system, at maglagay ng mga mataas na kalidad na air filter.
- Tingnan ang mga lokal na kundisyon. Posibleng may mas mahigpit na gabay ang iyong county kumpara sa estado. Mag-ingat nang husto kapag mataas ang mga lokal na antas ng transmisyon ng virus.
- I-activate ang CA Notify at hilingin sa iyong mga bisita na ganito rin ang gawin. Anonymous na inaabisuhan ng CA Notify ang mga indibidwal tungkol sa posibleng exposure.
- Magpasuri kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19
- Manatili sa bahay kung may sakit ka