Available at kumpidensyal ang pagsusuri para sa COVID-19 sa bawat Californian.

Sa page na ito:


Paano magpasuri

Gumamit ng at-home test

Suriin ang iyong sarili at makuha ang resulta nang wala pang 30 minuto.

Magplanong magsagawa ng mga pagsusuri para sa COVID-19 bago ka pa magkasakit. Magbasa pa tungkol sa mga pagsusuring isinasagawa sa bahay:

Makakuha ng mga libreng pagpapasuri

Ang mga pagsusuring isinasagawa sa bahay na galing sa parmasya ay libre o nare-reimburse na rin ngayon para sa karamihan ng mga tao.  

Libreng mga test kung may Medi-Cal ka

  • Kumuha ng Medi-Cal card para sa bawat tao sa pamilya mo. Ang bawat tao na may Medi-Cal card ay pwedeng makatanggap ng hanggang 8 libreng test (o 4 na kahon kung ang bawat kahon ay may 2 test) kada buwan gamit ang kanilang card.
  • Pumunta sa isang parmasya o tindahang may parmasya.
  • Pumunta sa counter ng parmasya kung saan nagda-drop off ng mga reseta. Hindi puwedeng magbigay ng mga libreng pagsusuri para sa COVID-19 ang iba pang register sa tindahan.
  • Ipakita ang iyong Medi-Cal card at humingi ng 8 antigen test para sa COVID-19 na isinasagawa sa bahay para sa bawat tao.

Mga libreng pagsusuri para sa pribadong insurance

Dapat bayaran o i-reimburse ng karamihan sa insurance plan sa California ang 8 at-home test kit kada buwan hanggang Nobyembre 11, 2023. Hingin ang mga detalye sa iyong kumpanya ng insurance. Matuto pa sa mga Pagbabago sa COVID-19 Coverage.

Mga test kung mayroon kang Medicare o Medicare Advantage

Iba iba ang detalya sa bawat plano; makipag-ugnayan sa iyong provider para sa karagdagang impormasyon. Matuto pa sa mga Pagbabago sa COVID-19 Coverage.

Bago mo itapon ang mga “na-expire” na test

Karamihan sa mga at-home test ay pwede pang magamit kahit lagpas na ang petsa na nasa kahon. Alamin kung napalawig ang expiration date ng iyong COVID-19 test sa Test Page ng At-Home COVID-19 ng FDA.

Palitan ng bago ang mga test mo habang papalapit ang pinalawig na petsa ng pag-expire. Kung kinakailangan, pwede mong gamitin ang na-expire na test hanggang sa makakuha ka ng bago, hangga't gumagana ang control line. Tingnan ang mga tagubilin ng pagsusuri para sa mga detalye tungkol sa control line. 

Maghanap ng lugar ng pagsusuri na malapit sa iyo

Gamitin ang mga link na ito para makakita ng mga lugar ng pagsusuri na malapit sa iyo:

Maghanap ng mga lokasyon ng Magpasuri para Makapagpagamot (Test to Treat)

Sa ilang lugar ng pagsusuri, puwede kang makakuha kaagad ng gamot laban sa COVID-19 kung magpopositibo at kwalipikado ka. Ang mga lugar na ito ay tinatawag na Magpasuri para Makapagpagamot.

Makakatulong ang gamot laban sa COVID-19 na mapigilan ang pagkakaospital at pagkamatay. Pinakamabisa itong gagana kung sisimulan kaagad. Ang Test to Treat ay isang madaling paraan para makuha nang maaga ang gamot na ito.

Maghanap ng Magpasuri para Makapagpagamot na malapit sa iyo


Kailan dapat magpasuri

Kung mayroon kang mga sintomas

Nabakunahan man o hindi, magpasuri kaagad kung makakaramdam ka ng anumang sintomas ng COVID-19. Kung negatibo ang isang antigen test, magpasuri pa sa loob ng 24-48 oras, dahil puwedeng hindi matukoy ang mga maagang kaso.

Kung nalantad ka

Kung nalantad ka, dapat mong pag-isipang magpasuri sa lalong madaling panahon, kahit wala kang sintomas.

Magpasuri ulit 3-5 araw pagkatapos mong malantad.

Kung pupunta ka sa isang event kung saan malaki ang posibilidad ng hawahan

Magpasuri kaagad 3-5 araw bago at pagkalipas nito.

Magbasa pa tungkol sa mga pagkakalantad na may malaking posibilidad ng hawahan sa gabay sa Posibilidad ng Pagkakalantad ng CDC.

Kung bibiyahe ka

Magpasuri malapit sa oras ng pag-alis at 3-5 araw pagkatapos.

Nagpabakuna man o hindi, ang sinumang papasok o muling papasok sa California ay dapat magpasuri 3-5 araw pagkarating.

Matuto pa tungkol sa paghahanda para sa pagbiyahe sa loob at labas ng bansa.


Pagsusuri sa trababo

Magbasa pa tungkol sa pagsusuri sa lugar ng trabaho sa:


Mga tanong at sagot

Ano ang dapat kong gawin kung magpopositibo ako para sa COVID-19?

Sa lalong madaling panahon, tanungin ang iyong doktor kung kwalipikado ka para sa pagpapagamot. Kung wala kang doktor o insurance, mag-iskedyul ng LIBRENG appointment sa provider ng telehealth ng California o tumawag sa 1-833-686-5051.

Pinakamabisang gagana ang paggamot kung sisimulan kaagad. Huwag hintaying lumubha ang mga sintomas. Magbasa pa tungkol sa mga paggamot sa COVID-19.  

Mag-isolate (manatili sa bahay at umiwas sa ibang tao) hanggang sa lumipas ang banta na nakakahawa ka sa ibang tao. Magbasa tungkol sa kung gaano katagal dapat mag-isolate

Abisuhan ang mga taong nakaugnayan mo para makapagpasuri din sila.

Patuloy na subaybayan ang iyong sarili para sa mga sintomas ng long COVID-19 at matuto pa:

Ano ang dapat kong gawin kung posibleng nalantad ako sa COVID-19?

Anuman ang iyong status sa pagpapabakuna: 

  • Magpasuri kaagad at 3-5 araw pagkatapos ng huling mong pagkakalantad 
  • Magsuot ng mask kapag may ibang tao sa loob ng 10 araw, kahit sa loob ng bahay 
  • Kung magpopositibo ang resulta ng pagsusuri, mag-isolate 

Kung nagkaroon ka ng COVID-19 sa nakalipas na 30 araw, magpasuri at mag-isolate kung mayroon kang mga sintomas. Kung wala kang sintomas, hindi mo kailangang magpasuri. Kung nahawahan ka sa nakalipas na 90 araw at kailangan mong magpasuri, inirerekomendang magsagawa ng antigen test.

Matuto pa tungkol sa kung kailan at paano dapat mag-isolate o magsagawa ng pagsusuri

Kailangan bang saklawin ng aking planong pangkalusugan ang aking pagsusuri sa COVID-19 sa isang lugar para sa pagsusuri? 

Oo. Dapat saklawin ng mga planong pangkalusugan ang pagpapasuri para sa COVID-19 nang wala kang babayaran.

Matuto pa sa Alamin ang Iyong Mga Karapatan sa Pangangalagang Pangkalusugan: Pagsusuri para sa COVID-19.

Paano kung wala akong insurance sa kalusugan at kailangan ko ng pagsusuri para sa COVID-19?

Gamitin ang Libreng Locator ng Pagsusuri ng CDC para makakita ng lugar malapit sa iyo.

Posibleng nagbibigay rin ng mga libreng pagsusuri sa iba pang lugar ng pagsusuri. Makipag-ugnayan sa lugar at tanungin kung may dapat bayaran.

Gaano katagal bago makuha ang mga resulta ng pagsusuri para sa COVID-19?

Ang mga pagsusuring isinasagawa sa bahay o antigen test sa isang klinika o lugar ng trabaho ay nagbibigay ng mga resulta sa loob ng 15-40 minuto. 

Ang mga PCR at iba pang molecular test na ipinapadala sa isang laboratoryo ay kadalasang ibinabalik sa loob ng 1-2 araw matapos makuha ng laboratoryo ang pagsusuri. Hindi kasama rito ang tagal ng pagbiyahe.  

Kung hindi mo pa natatanggap ang mga resulta ng iyong pagsusuri at ilang taon na ang nakalipas, makipag-ugnayan sa lugar ng pagsusuri.

Ano ang tinatanggap na katunayan ng resulta ng negatibong pagsusuri sa COVID-19?

Posibleng gamitin ang mga pagsusuri para sa COVID-19 na isinasagawa sa bahay kung kinunan ng larawan ang ginawang pagsusuri nang may oras at petsang nakalagay. Tingnan ang Mga FAQ sa pagsusuri ng Cal/OSHA para sa mga detalye. 

Sa mga lugar kung saan hindi pinapayagan ang mga pagsusuring isinasagawa sa bahay, kasama dapat sa mga resulta ang: 

  • Pangalan ng taong nasuri
  • Uri ng pagsusuri 
  • Petsa ng negatibong resulta ng pagsusuri 

Ang mga resulta ay dapat na isang naka-print, na-email, o naipadalang text message galing sa iyong test provider o laboratoryo. 

Dapat ay isinagawa ang pagsusuri sa nakalipas na:  

  • 1 araw para sa antigen test, o
  • 2 araw para sa PCR test.

Manatiling updated