Edukasyon
Hotline para sa COVID-19 Enero 14, 2021 sa 1:21 PM
Unti-unting uusad ang estado sa muling pagbubukas ng personal na pagtuturo ayon sa county batay sa lokal na datos ng kalusugan.
K-12
Ligtas na muling pagbubukas
Susuportahan ng Planong Mga Ligtas na Paaralan para sa Lahat ng California (California’s Safe Schools for All Plan) ang mga paaralan para patuloy na ligtas na makapagpatakbo nang personal at makagamit ng phased-in approach, na nakabatay sa agham, nang sa gayon ay ligtas na maibalik ang personal na pagtuturo sa mga mag-aaral. Gagawin ito sa pamamagitan ng kumbinasyon ng pagpopondo, pagsusuri, PPE, at pangkaligtasang gabay, at mga bakuna para sa mga kawani ng paaralan.
Mga Pagsasara
Para sa bagong impormasyon tungkol sa mga pagsasara at ang epekto ng mga ito sa taon ng eskuwela, tingnan ang iyong lokal na distrito ng paaralan.
Gabay
Naglabas din ang California ng gabay para tulungan ang mga pinuno ng edukasyon para sa K-12 na matugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng mag-aaral na apektado ng mga pagsasara ng paaralan, na binibigyang-diin ang pagtulong sa mga anak na mababa ang kita at ang mga may kapansanan.
Ang Departamento ng Edukasyon ng California (California Department of Education) ay may gabay tungkol sa suporta para sa mga mag-aaral, kasama ang:
- Malayuang pag-aaral
- Mga pagkain mula sa paaralan
- Mga serbisyo para sa mga mag-aaral na may mga kapansanan
- Inalis ang mga fee sa pamilya para sa pag-aaral at pangangalaga ng mga batang wala pa sa edad na pumasok sa eskuwela
- Na-update na Mga Madalas Itanong
Mas mataas na edukasyon
May available na pansamantalang gabay para sa mga institusyon ng mas mataas na edukasyon na makakatulong sa mga institusyon at sa kanilang mga komunidad na planuhin at paghandaan ang pagbalik sa personal na pagtuturo.
Karamihan ng paaralan, tulad ng CSU, ay ina-adjust ang mga pamantayan para sa pagtanggap bilang pagtugon sa COVID-19.
Tingnan ang pagtugon ng iyong kolehiyo o unibersidad sa COVID-19:
Para matuto pa tungkol sa iyong financial aid package mula sa estado, pumunta sa website ng California Student Aid Commission.