Tugon ng ahensya ng estado
Hotline para sa COVID-19 Nobyembre 16, 2020 sa 12:23 PM
Sa pagtupad sa pangako ng California na manatiling transparent, nakalista sa ibaba ang impormasyon sa tugon ng mga ahensya ng estado sa COVID-19.
Ia-update namin ang mga mapagkukunang ito sa oras na magkaroon ng bagong impormasyon. Hindi ito isang kumpletong listahan ng lahat ng mapagkukunan ng impormasyon ng estado.
- Naglalaman ang mga update sa COVID-19, na nakaayos ayon sa dibisyon, ng impormasyon tungkol sa COVID-19 at mga pagpapaunlad na nakakaapekto sa mga tungkulin at operasyon ng ahensya.
- Makakakita sa status ng pasilidad para sa mga nasa hustong gulang dahil sa COVID-19 ng impormasyon tungkol sa status ng pasilidad para sa mga nasa hustong gulang at regulasyon para sa mga operasyon dahil sa COVID-19.
- Ibinibigay ng dashboard ng mga pamantayan sa pagsuspinde ng mga nasa hustong gulang ang status ng pasilidad ayon sa county batay sa mga pamantayan sa emergency na pagsuspinde dahil sa COVID-19.
- Makakakita sa status ng pasilidad para sa mga juvenile dahil sa COVID-19 ng impormasyon kaugnay ng status ng pasilidad para sa mga juvenile at regulasyon para sa mga operasyon dahil sa COVID-19.
- Ibinibigay ng dashboard ng mga pamantayan sa pagsuspinde ng mga juvenile ang status ng pasilidad ayon sa county batay sa mga pamantayan sa emergency na pagsuspinde dahil sa COVID-19.
- Idinodokumento ng mga kasanayan sa pag-intake at pag-release ng mga pasilidad para sa mga juvenile ang mga pagbabago sa mga patakaran at kasanayan sa pag-intake at pag-release ng mga juvenile sa at mula sa mga pasilidad para sa pag-detain ng mga juvenile sa bawat departamento ng county para sa probation.
- Nangongolekta ang karagdagang survey sa profile ng bilangguan ng mga nasa hustong gulang ng datos ng populasyon sa antas ng county, booking, at pag-release bawat linggo mula sa mga county na may mga lokal na pasilidad para sa pag-detain ng mga nasa hustong gulang para masubaybayan sa mga lokal na sistema ng pag-detain ang mga epektong nauugnay sa coronavirus.
- Nangongolekta ang karagdagang survey sa profile ng bilangguan ng mga juvenile ng datos ng populasyon sa antas ng county, booking, at pag-release bawat linggo mula sa mga county na may mga lokal na pasilidad para sa pag-detain ng mga juvenile para masubaybayan sa mga lokal na sistema ng pag-detain ang mga epektong nauugnay sa coronavirus.
- Nagbibigay ang dashboard ng datos ng COVID-19 ng datos na nagbubuod sa epekto ng mga lokal na pasilidad para sa pag-detain.
- Nagbibigay ang mga kaso ng COVID-19 sa mga lokal na pasilidad para sa pag-detain ng datos na nauugnay sa COVID-19 mula sa mga county na may mga lokal na pasilidad para sa pag-detain ng mga nasa hustong gulang at/o juvenile. Lingguhang nangongolekta ng datos sa antas ng pasilidad (maliban kung iba ang nakasaad), at ina-update ito tuwing Biyernes gamit ang datos mula sa nakaraang linggo ng pag-uulat. Kasama rito ang:
- Bilang sa pasilidad
- Bilang ng mga nasuri
- Mga kumpirmadong positibong kaso
- Mga kumpirmadong kaso sa pag-intake (opsyonal)
- Mga kumpirmadong kaso sa unang 14 na araw (opsyonal)
- Mga kumpirmadong kaso sa kustodiya (opsyonal)
- Tinatayang bilang ng naresolba nang kaso
- Mga naospital, namatay, at karagdagang impormasyon (opsyonal)
- Nangongolekta rin ng datos para sa mga tauhang nagtatrabaho sa mga pasilidad na ito, kasama ang:
- Mga nasuring tauhan
- Mga kumpirmadong positibong kaso sa mga tauhan
- Mga naresolba nang kaso sa mga tauhan
- Karagdagang impormasyon (opsyonal)
- Idinisenyo ang impormasyon at mapagkukunan para sa COVID-19 ng Departamento sa Pagtanda ng California para sa iba't ibang audience, kasama ang mga nakatatanda at taong may kapansanan, tagapag-alaga, at provider ng serbisyo.
- Idinedetalye ng impormasyon sa COVID-19 ng Departamento ng Mga Ospital sa Estado (Department of State Hospitals, DSH) kung paano nila pinoprotektahan ang mga pasyente at empleyado mula sa COVID-19.
- Inililista ng Mga Protokol at Workflow ng DSH ang mga hakbang na sinusunod sa mga pasilidad ng DSH sa panahon ng pandemya ng COVID-19. Madalas i-adjust ang mga dokumentong ito batay sa mga inirerekomendang pagbabago ng mga awtoridad sa pampublikong kalusugan ng pederal at estado.
- Makakakita sa impormasyon at mga mapagkukunan para sa coronavirus ng Departamento ng Mga Serbisyo sa Pagpapaunlad ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa COVID-19 at ng mga mapagkukunan.
- Ang impormasyon tungkol sa coronavirus disease (COVID-19) ng Departamento ng Mga Serbisyong Panlipunan ay nangongolekta ng mga mapagkukunang nauugnay sa COVID gaya ng mga pagsisikap ng California sa contact tracing at impormasyon sa lugar ng pagsusuri para sa mga tagatanggap at provider ng mga pansuportang serbisyo sa tahanan.
- Makakakita sa mga mapagkukunan para sa COVID-19 ng Dibisyon sa Pagpapaunlad ng Pasilidad ng Tanggpan ng Pambuong-estadong Pagpaplano at Pagpapaunlad para sa Kalusugan ng gabay sa mga pansamantalang pagbabago sa panahon ng COVID-19, mapa, at log ng emergency na operasyon.